Mga mamimili dagsa sa Divisoria kahit may pandemya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga mamimili dagsa sa Divisoria kahit may pandemya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kahit may pandemya, patuloy sa pagdagsa ang mga mamimili sa Divisoria sa Maynila para mag-early Christmas shopping.

Maaga pa lang nitong Lunes, siksikan na ang mga namimili sa Ylaya Street, na kilalang bilihan ng tela at damit.

Kaniya-kaniyang diskarte naman ang mga mamimili para mag-ingat laban sa banta ng COVID-19.

"Natatakot pero ngayon lang po ako nakalabas para makabili," sabi ni Say Erot.

ADVERTISEMENT

Ayon sa vendors, hindi man sinlakas ng benta tulad noong nakaraang taon, kahit papaano ay nakababawi na sila.

"Mayroon na rin po kahit papano, bumebenta na," anang vendor na si Rowena Basas.

"Kapag Sabado, Linggo lang po malakas. 'Pag Lunes hanggang Biyernes medyo matumal," sabi naman ni Bong Escorial.

"Magsi-season po kaya kahit papaano nakabawi," ani Anne Babia.

Ayon naman sa Department of Health, sapat man ang mga taong mamili para sa Pasko, hindi dapat kalimutang may pandemya pa rin.

Rumoronda naman ang mga tauhan ng Manila Police District habang patuloy ang paalala ng mga tauhan ng Manila City Hall ukol sa pagsunod sa health protocols.

Ipinag-utos na rin ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na dagdagan ang mga nakatalagang pulis sa Divisoria.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad