Mag-asawa humiling ng tulong para sa 200 asong na-rescue
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawa humiling ng tulong para sa 200 asong na-rescue
ABS-CBN News
Published Nov 25, 2022 02:08 PM PHT

Nailigtas ng isang mag-asawa sa Southern Leyte ang nasa 200 aso na nakatakda sanang i-euthanasia.

Ang mga asong nailigtas ng mag-asawang sina Jonathan at Donnabel Guinto noong Pebrero 2020 ay mula sa isang dog pound sa Hinundayan, Southern Leyte.

Nakatakda sanang i-euthanasia ang mga aso kung walang mag-aampon pagkatapos ng 3 araw na pagkaka-impound.

Dahil naawa si Donnabel sa mga aso, nagpasya silang iligtas ang lahat ng aso mula sa dog pound at gumawa ng isang tahanan para sa kanila, na tinawag nilang "Furry Tails Hinundayan."

Pero noong Disyembre 2021, napinsala ng bagyong Odette ang tirahan ng mga aso at hanggang ngayon ay hindi pa naitatayong muli dahil umano sa kakulangan ng pondo.

Anila, hindi man sila nabiyayaan ng mga anak, natagpuan nila ang kasiyahan sa pag-aalaga ng mga aso.

Humihingi ang mag-asawa ng mga donasyon para sa gastusin sa center na hindi bababa sa P6,000 kada araw para sa pagkain at gamot ng mga aso, at iba pang pangangailangan.

Naging adbokasiya na ng mag-asawa ang pagpapakain sa mga asong gala simula noong sila'y nasa kolehiyo pa lamang.

—ulat ni Vilma Andales
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT