Bus nahulog sa bangin; 3 sugatan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bus nahulog sa bangin; 3 sugatan
Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Nov 26, 2019 02:24 PM PHT

DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong katao ang sugatan matapos na mahulog ang sinasakyan nilang bus sa 3-metrong lalim na bangin sa Barangay Magais II sa bayang ito, Martes ng madaling araw.

Ayon sa driver ng bus, maulan nang mga oras na yun. Aminado rin siyang mabilis ang pagpapatakbo sa bus sa pababang kalsada.

“Pag-preno ko zumigzag yung sasakyan. Nakita ko may 3 sasakyan sa linya na yan (northbound) naisip ko aabutin,” kuwento ng driver ng bus na galing Iriga City at papunta sanang Maynila.

Dagdag pa ng driver, kumabig siya pakaliwa para hindi mabangga ang 3 sinusundang sasakyan kaya napunta siya sa southbound road at nahulog sa bangin.

Wala namang nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan sa mga biktima na nagpapagaling pa sa isang pribadong ospital sa Naga City.

Hanggang alas-11 ng tanghali ng Marters, hindi pa naiaalis ang nahulog na bus. Hinihintay pa kasi ang magreresponde galing Batangas.

Ayon kay Police Staff Sergeant Jefferson Francia, Pinadagdagan nila ng early warning signage ang lugar na sa kasalukuyan ay mayroong reblocking.

Pinagpapasalamat din ng driver na ligtas ang nasa 40 iba pang mga pasahero.