Lalaking iniwan umano ng asawa timbog sa indiscriminate firing
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking iniwan umano ng asawa timbog sa indiscriminate firing
ABS-CBN News
Published Nov 26, 2019 03:08 PM PHT
|
Updated Nov 26, 2019 07:45 PM PHT

Arestado sa Bacoor City, Cavite ang isang lalaki na walang habas na namaril matapos umanong iwanan ng kaniyang asawa.

Hinuli ng Bacoor police noong hapon ng Sabado ang suspek na si Alison Sarip, 33, matapos i-report na sunod-sunod itong nagpaputok ng baril sa Barangay Zapote I.

Sinubukang barilin ni Sarip ang isang Roberto de Leon habang ito ay nagsasampay pero hindi ito tinamaan, ayon kay Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police.

Isang aso naman ang tinamaan ng bala ni Sarip, dagdag ni Cabatingan.
Isang aso naman ang tinamaan ng bala ni Sarip, dagdag ni Cabatingan.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Sarip, magulo lang ang kaniyang isip dahil isang buwan na buhat nang iwanan siya ng kaniyang misis, na pinagbibintangan siyang nambabae.

Lumabas sa imbestigasyon ng Bacoor police na 2 buwan pa lang mula nang nakalaya ang suspek dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Mula nang makalaya, 3 beses nang inireklamo ang suspek ng walang habas na pagpapaputok ng baril, ayon kay Cabatingan.

May nabaril nang tao si Sarip pero nagkaaregluhan lang, ani Cabatingan.

Kinasuhan ng attempted murder, alarm and scandal, indiscriminate firing, illegal possession of firearm, at animal cruelty ang suspek.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
shooting
indiscriminate firing
animal cruelty
Bacoor
Cavite
alarm and scandal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT