Sunog sumiklab sa business center ng San Jose, Occ. Mindoro
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa business center ng San Jose, Occ. Mindoro
Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Nov 27, 2023 07:03 PM PHT

MAYNILA — Sumiklab ang malaking sunog sa business center ng San Jose, Occidental Mindoro ngayong Lunes ng hapon.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay SFO1 Norly Santos, arson investigator ng San Jose Fire Station, mag-aalas dos ng hapon nang magsimula ang sunog.

Nadamay ang isang appliance center, milk tea shop, tindahan ng mga motorsiklo, tindahan ng mga damit, at iba pang establisimyento.

Nangyari ang sunog sa Rizal St., Bgy. Poblacion 1 kung saan halos isang block ng mga tindahan ang natupok.
Nangyari ang sunog sa Rizal St., Bgy. Poblacion 1 kung saan halos isang block ng mga tindahan ang natupok.
ADVERTISEMENT
Inaalam pa kung saan nagsimula ang apoy.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog kaya bukod sa mga bumbero ng San Jose Fire Station, MDRRMO at mga Fire volunteer brigade ay rumesponde na rin ang mga bumbero mula sa iba-ibang bayan.

Nahirapang apulahin ang apoy dahil sa lakas ng hangin.

Alas-4:30 ng hapon nang ideklara itong fire out.

Wala namang nasaktan sa sunog at inaalam pa ang halaga ng pinsala.