Aileen Lizada itinalagang commissioner ng CSC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aileen Lizada itinalagang commissioner ng CSC

ABS-CBN News

Clipboard

Bagong CSC commissioner Aileen Lizada. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Itinalaga bilang commissioner ng Civil Service Commission (CSC) si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board member Aileen Lizada.

Sa appointment paper na inilabas ng Malacañang nitong Huwebes, idineklara na si Lizada ang ad interim commissioner ng CSC. Magtatagal ang kaniyang termino hanggang Pebrero 2, 2025.

Si Lizada ang papalit kay dating commissioner Robert Martinez.

Naging spokesperson ng LTFRB si Lizada bago magbitiw nitong 2018. Bagama't bumitiw sa pagiging spokesperson, nagsilbi pa ring board member si Lizada hanggang sa malipat sa CSC.

ADVERTISEMENT

Nitong nakaraang linggo lamang, inakusahan si Lizada ng pagkakalat umano ng mali at malisyosong impormasyon ukol sa kabubukas pa lang na Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Tinutulan din ni Lizada ang P2 dagdag sa minimum fare ng pampasaherong jeep.

Itinalaga naman ni Duterte sina Ruth Marie Equipaje at Cesar Aljama sa Nayong Pilipino Board of Trustees, ilang buwan matapos niya sibakin ang lahat ng miyembro ng nasabing board dahil sa maanomalya umanong pagpapaupa sa lupa ng gobyerno.

Itinakda niya namang undersecretary ng Department of Agriculture si Waldo Carpio, bayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.