Mga bodega ng pekeng LPG sa Cavite, sinalakay

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bodega ng pekeng LPG sa Cavite, sinalakay

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 12, 2019 03:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinalakay ngayong Martes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang bodega sa Cavite na pinagtataguan ng mga pekeng liquefied petroleum gas (LPG) na nakapangalan sa tunay na brand.

Sabay-sabay inihain ng CIDG ang search warrant sa mga bodega sa ilang bayan sa Cavite matapos magreklamo ang kompanyang Gasul na may nagbebenta ng pekeng LPG gamit ang kanilang pangalan at mga tangke.

Nakita sa bodega sa lungsod ng Dasmariñas ang iba-ibang laki ng mga tangke, mga pintura at pekeng safety cap.

Wala ang may-ari ng bodega at mga bantay lang ang nadatnan ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

Sa isang bodega naman sa lungsod ng General Trias, naabutan ng mga awtoridad na sakay na ng trak ang mga tangke at nakahanda nang ipadala sa mga parokyano.

Nasa P700 ang bentahan ng kada 14 kilogramo na Gasul habang P500 lang umano ang benta sa mga peke.

Ayon kay Jonathan Dulay, kinatawan ng Gasul, bagaman nakahihimok ang mura, nalilinlang naman daw ang mga bumibili nito dahil mas kaunti ang laman.

"Nalilinlang sila, akala nakakamura. Mas mababa ang timbang. Akala marami laman," ani Dulay.

Ipinayo din ni Dulay na sa awtorisadong distributor lang bumili ng LPG.

Desidido ang kompanya na sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng pamemeke. Kabilang dito ang ilegal na paggamit ng mga metallic at chemical container, at mga paglabag sa Consumer Act of the Philippines at Intellectual Property Code of the Philippines.

-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.