2 motor lumiyab nang magsalpukan sa Capiz; 2 patay
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 motor lumiyab nang magsalpukan sa Capiz; 2 patay
ABS-CBN News
Published Dec 05, 2023 05:16 PM PHT

Dalawa ang patay nang magsalpukan ang dalawang motor at lumiyab sa Brgy. Bolo, Roxas City, Capiz, nitong gabi ng Linggo.

Sa video na ibinahagi ng isang netizen ay makikita ang malaking apoy habang nasusunog ang dalawang motorsiklo at ang mga nakabulagtang riders.

Nakilala ang dalawang riders na sina Neil John Dadivas, 27 taong gulang, nakatira sa Brgy. Adlawan, Roxas City, Capiz, at Bernaldo Duran, 47 taong gulang, at nakatira sa Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz.

Sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, nagkasalubong ang dalawang motorsiklo sa lugar at nagbanggaan.
Sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, nagkasalubong ang dalawang motorsiklo sa lugar at nagbanggaan.
ADVERTISEMENT
Sa lakas ng banggaan ay natapon ang kargang gasolina ng dalawang motorsiklo na kaagad na nag-apoy.

Mabilis na dinala ng mga rescuers ang dalawang rider sa ospital pero namatay ang mga ito habang ginagamot matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo at katawan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring insidente at pagtukoy kung sino ang may kasalanan.

-- Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT