Ibang dawit sa PDAF scam, makikinabang sa plunder acquittal ni Revilla?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ibang dawit sa PDAF scam, makikinabang sa plunder acquittal ni Revilla?
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2018 10:13 PM PHT
|
Updated Aug 25, 2019 03:52 PM PHT

Nitong Biyernes ay ganap nang napawalangsala sa reklamong plunder si dating Senador Ramon "Bong" Revilla kaugnay ng kaniyang pangungulimbat umano ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa tulong ni "pork barrel scam queen" Janet Lim Napoles.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 1st Division ay sinabi nitong hindi nila nakitaan ng direktang pagkakadawit si Revilla sa ilegal na transaksiyon ng dati niyang chief of staff na si Richard Cambe at Napoles.

Pero sa parehong desisyon, guilty sa plunder sina Napoles at Cambe.

Pero saan nga ba nag-ugat ang kontrobersiyal na isyu ng pork barrel scam?
Pero saan nga ba nag-ugat ang kontrobersiyal na isyu ng pork barrel scam?
ADVERTISEMENT
Taong 2013 nang ibulgar ng whistleblower na si Benhur Luy ang matagal nang bulungan sa politika na nilulustay ang PDAF ng mga mambabatas sa taunang budget at kilala noon bilang "pork barrel."

Ang dating boss ni Luy na si Napoles, kakuntsaba umano ang mga politiko sa paglilipat ng pondo mula sa kanilang PDAF hanggang bumagsak ito sa mga bogus non-government organization o foundations na nilikha niya.

Kalaunan ay sinita ito ng Commission on Audit sa isang special audit, hanggang sa inimbestigahan na rin sa Senado, kung saan nabunyag ang listahan ni Napoles ng mga kliyente niyang nakinabang sa "pork."

Pinakalumutang ang pangalan ng noo'y mga senador na sina Revilla, Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada at kalauna'y napiit ang tatlo sa kasong plunder.

Sa kalagitnaan ng paglilitis ng tatlo, nakalaya si Enrile noong 2015 at si Estrada naman noong 2017 matapos magpiyansa.

Si Revilla ang unang naabsuwelto sa tatlo.

IMPLIKASYON NG HATOL
Tanggap na ni Atty. Levito Baligod, ang private complainant sa pork barrel scam cases, ang naging hatol kay Revilla pero aniya, hindi nito mabuburang may nawaldas na pondo ng bayan.

"I accept the verdict as it is the result of the judicial process that we have. The verdict doesn't erase the fact, though, that the PDAF of [Revilla] was misused in a manner so detestable," aniya.

Dismayado rin ang ilang mambabatas lalo't convicted ang kanang kamay ni Revilla. Kaya pangamba nila, mababasura rin ang kaso nina Enrile at Estrada na kasalukuyan pang nililitis.

"Merong ninakaw pero ang guilty lang si Napoles at saka chief of staff niya? May problema tayo doon," pagtataka ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.

Para kay Atty. Theodore Te na dating tagapagsalita ng Korte Suprema, mahirap ipaliwanag kung paanong walang kinalaman si Revilla sa naturang scam.

"Elaborate scheme yet in the end walang kinalaman si Revilla? Yun ang mahirap na ipaliwanag. Kung in the end, hindi niya alam at hindi niya authorized...saan humuhugot ng lakas ng loob ito?"

Naniniwala naman si Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Atty. Abdiel Dan Fajardo na hindi makakaapekto ang desisyon kay Revilla sa mga kahalintulad na kaso ng ibang inireklamo sa PDAF scam.

"A decision of a co-equal division would not necessarily be binding on another division of the Sandiganbayan but we have to realize that those decisions are highly persuasive also," aniya.

Taong 2013 nang ideklarang unconsitutional ng Korte Suprema ang PDAF.

—Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
corruption
plunder
Sandiganbayan
judiciary
PDAF
pork barrel
Bong Revilla
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT