Spa na nag-aalok ng 'extra service', ni-raid | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Spa na nag-aalok ng 'extra service', ni-raid

ABS-CBN News
Published Dec 07, 2018 03:28 AM PHT
|
Updated Jul 31, 2019 12:52 PM PHT

LUCENA CITY - Nilusob ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang spa sa Tayabas, Quezon na umano'y nag-aalok ng extra service.

Pagpasok sa spa, agad inisa-isa ang mga kuwarto sa loob ng establisimyento. Dito bumungad ang isang babaeng walang pang-itaas.

Bukod sa babaeng inabutan na nagbibigay ng extra service, 2 pang lalaki ang kasamang na-rescue ng NBI. Arestado naman ang pinaniniwalaang head ng spa.

Nakuha sa operasyon ang perang ginamit ng asset na pambayad sa extra service. Nakita rin sa counter ang mga condom at ilang records ng spa.

Ayon kay NBI-Quezon chief Dominador Villanueva, kadalasang online ang promotion at recruitment ng spa.

"Very active itong spa na ito sa pagpo-promote, allegedly ng spa services. Dito rin sila nagre-recruit," aniya.

Iimbestigahan din ng NBI kung may iba pang kasamahan ang mga na-rescue.

Kabilang naman sa kakasuhan ng reklamong human trafficking ang may-ari ng spa. - ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

Read More:
Regional news
Tagalog news
spa
extra service
human trafficking
National Bureau of Investigation
NBI
Tayabas
Quezon
Umagang Kay Ganda
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT