Bata nabiktima ng 'Dugo-dugo' gang

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata nabiktima ng 'Dugo-dugo' gang

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Halos kalahating milyong pisong cash at alahas ang natangay ng hinihinalang miyembro ng Dugo-dugo gang mula sa isang bata na residente ng Quezon City nang lokohin itong naospital ang ina at kailangan ng pera.

Ayon sa blotter ng pulisya, tinawagan ng 'di pa kilalang tao ang 15-anyos na anak ng isang ginang sa Doña Carmen Subdivision sa Barangay Commonwealth.

Sinabihan ang anak na naaksidente ang nanay nito at kailangan ng malaking halaga ng pera para sa ospital.

Inutusan ang bata na kumuha ng pera at alahas at nagkita sila sa isang mall sa Sucat, Parañaque. Huli na nang malaman ng bata na hindi naaksidente ang ina.

ADVERTISEMENT

Naibigay niya ang P100,000 cash, alahas na aabot sa P60,000 ang halaga at tatlong relo na nagkakahalaga ng P300,000.

Ayon sa pulis, matagal na ang ganitong modus pero marami pa rin ang nabibiktima.

Payo nila, huwag i-post lahat ng personal na impormasyon sa social media dahil dito nalalaman ng mga suspek ang mga detalye tungkol sa kanilang target.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.