3 magkakamag-anak na gumagawa ng Sinturon ni Hudas, nasabugan ng paputok
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 magkakamag-anak na gumagawa ng Sinturon ni Hudas, nasabugan ng paputok
ABS-CBN News
Published Dec 11, 2020 08:46 AM PHT
|
Updated Dec 11, 2020 10:32 AM PHT

Sugatan ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos sumabog ang kanilang ginagawang paputok sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Babag sa Lapu-lapu City, Cebu Huwebes ng gabi.

Nalapnos ang balat ng 13-anyos na anak na nagtamo ng malaking sugat sa ulo at halos nasunog ang buong katawan. Ang 31-anyos na ina at 15-anyos na anak na babae ay nagtamo ng third degree burns sa halos 80 porsyento ng kanilang katawan.

Sa imbestigasyon, napag-alamang inaayos nila ang mga rebentador para gawin itong Judas Belt na paputok nang biglang sumabog at nasira ang kanilang bahay.

Ang Barangay Babag ng Lapu-Lapu ang tinaguriang "firecracker capital" ng Central Visayas.--Ulat ni Andy Dimataga Mañus

RELATED VIDEO
RELATED VIDEO
Read More:
Lapu-lapu
Cebu
paputok
firecrackers
pyrotechnics
accident
paputok accident
firecracker accident
Regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT