Dredger barge lumubog sa dagat sakop ng Sipalay City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dredger barge lumubog sa dagat sakop ng Sipalay City

Mitch Lipa,

ABS-CBN News

Clipboard

Hila-hila umano ng PM1-11 tugboat ang crane barge at dredger barge nang humingi ito ng tulong. Pinasok kasi ng tubig ang likurang bahagi ng dredger barge. Dionilo Bogtae

SIPALAY CITY, Negros Occidental – Lumubog sa dagat na sakop ng siyudad na ito ang isang dredger barge dahil sa lakas ng alon, Miyerkoles ng umaga.

Isang tugboat ang humihila sa crane barge at dredger barge mula Albuera, Leyte na patungong San Jose, Antique.

Ayon sa Philippine Coast Guard, dahil sa malakas na alon ay pinasok ng tubig ang likuran ng dredger barge kaya’t tumawag ng rescue ang tugboat.

Nang dumating na ang rescue tugboat ay hinila nito ang dredger barge, ngunit ‘di na nakaya pa ang malalaking alon kaya lumubog ito nang tuluyan sa dagat sakop ng Anjouan Island.

ADVERTISEMENT

Ligtas naman ang 11 tripulante ng mga tugboat.

Nasa 69 metro ang lalim ng tubig kung saan lumubog ang dredger barge, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sipalay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.