Lalaking nang-holdup ng babae sa jeep arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nang-holdup ng babae sa jeep arestado
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Dec 14, 2017 03:18 PM PHT
|
Updated Dec 14, 2017 03:19 PM PHT

Arestado ang isang lalaking itinuturong nanghold-up sa isang babae sa jeep sa Pasay matapos siyang makilala sa CCTV.

Napahinto ang isang jeep sa Aurora Boulevard sa Pasay noong Sabado ng gabi. Maya-maya, lumabas mula sa jeep at nakitang tumawid ng kalye ang isang lalaking may bitbit na bag na itim at palingon-lingon sa pinanggalingan.

Nang pumasok ang lalaki sa isang eskinita, tinanggal niya ang suot niyang damit pang-itaas habang naglalakad.

Ilang minuto pagkatapos, dumulog naman sa barangay ang isang babaeng hinold-up umano ng lalaki sa jeep.
Ilang minuto pagkatapos, dumulog naman sa barangay ang isang babaeng hinold-up umano ng lalaki sa jeep.
ADVERTISEMENT
"Ang sabi, tulungan niyo naman ako sir. 'Yung bag ko inagaw sa loob ng jeep. Nag-agawan sila, ginawa niya binigay niya,” sabi ni Tanod Rafael Jaime ng Barangay 156 sa Pasay City.

Sa kuha ng CCTV, namukhaan ng barangay at tuluyang inaresto ang lalaki na si Benjamin Tengco, isang miyembro umano ng gang at nasangkot na sa ilang insidente ng pangho-holdup sa lugar.

Nabawi kay Tengco ang nakuhang handbag at cellphone ng babae pati ang patalim na itinutok niya sa biktima.

Pero wala na ang P4,000 perang nasa wallet ng bikitma.

Nagpaalala naman ang barangay sa mga commuter na iwasang ilabas ang gadget at mahahalagang gamit sa sasakyan lalo habang nakatigil ito sa traffic.