Pinoy students nagtagisan sa 1st bridge model making contest sa Al Khobar
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy students nagtagisan sa 1st bridge model making contest sa Al Khobar
Florante Catanus | TFC News Saudi Arabia
Published Dec 15, 2023 04:28 PM PHT

AL KHOBAR - Nagtagisan ang mga estudyanteng Pilipino sa unang bridge making contest sa Al Khobar, Saudi Arabia. Pasado sa pamantayan ng lapad, taas, at tibay ang model bridge ng Phoenixvan bridge team.

Kinaya nito ang 20 bottled water na may kabuuang bigat na 6.8 kilos, kaya sila ang tinanghal na champion team sa unang bridge making contest, student category, ng Philippine Institute of Civil Engineers-Eeastern province, Saudi Arabia (PICE-EPSA) na ginanap sa Habitat hotel Al Khobar kamakailan.

Binubuo ng apat na babaeng estudyante ang winning team mula sa Almajd International School Dammam, Philippine curriculum.

“Ini-sketch po muna namin tapos, tinry po namin i-calculate gaano kadami yong bawat stick, yong measurements tapos at kung gaano dapat kahigpit ng tali para mas tumibay,” sabi ni Hannah Rivadeneira, AMISD-PC student, miyembro ng Phoenixvan Bridge Team.

Gamit ang 75 barbecue sticks at yarn, nakagawa ng model bridge ang anim na koponan mula sa International Philippine School in Al Khobar at Almajd International School Dammam, Philippine curriculum.

“While building the bridges, they will come to know the importance of connecting the joints, and then later on the importance of the bracings of a bridge,” sabi ni Engr. Fredel De Vera, chairman, 1st Bridge Making Contest, Student Category.

“Kaming mga engineer mismo ay tuwang-tuwa dahil nakikita namin sa kanila na meron silang future dito sa Civil Engineering Industry. And we hope na sana ituluy-tuloy nila ito,” sabi ni Engr. Jonathan Cabardo, President, PICE-EPSA.

First runner-up naman ang Ponashenoi Bridge Team at 2nd runner-up naman ang Tengra bridge team na galing din sa Almajd International School Dammam, Philippine curriculum.

“We are delighted at nanalo po kami especially since it’s for the glory of the school “ sabi ni Rielmar Jay Molina, AMISD-PC student, member ng Ponashenoi Bridge Team,

“It was a big learning experience for us and now every time we see a bridge we start to think about the good time that we experienced learning, researching and building the bridge.” sabi ni Cenwyn De Vera, AMISD-PC student, member ng Tengra Bridge Team.

Nagwagi din ng most aesthetic model bridge award ang Ponashenoi bridge team.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Saudi Arabia, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT