328 inmates pinalaya ng justice department, BuCor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
328 inmates pinalaya ng justice department, BuCor
Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Dec 19, 2022 04:38 PM PHT

Aabot sa 328 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya ngayong Miyerkoles ng Department of Justice at Bureau of Corrections.

Kabilang dito ang 118 inmates mula New Bilibid Prison, kung saan pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Rmeulla ang culminating activity para sa mga lalayang PDL.

Simula Enero, 5,917 PDL na ang napalaya ng BuCor. Target din umano ng ahensiya na sa susunod na taon ay doblehin ang bilang ng mga napapalaya kada buwan, na gagawin sa pamamagitan ng tulong ng mga volunteer lawyer.

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., magtatalaga sila ng volunteer lawyers sa bawat piitan ng BuCor para mas mabilis ma-evaluat ang papeles ng mga PDL na dapat nang lumaya.

"Next year dodoblehin na natin ang lalaya. Kasi ang guidance sa akin ngayon mag-create na ng volunteers na mga abogado bawat region," ani Catapang.

Posibleng umabot sa 2,000 ang mabibigyan ng executive clemency, ani Remulla, na target din umanong magsimula ng regional prisons.

"'Yong regional prisons, we want them in by 2025. May umaandar na sa dapat 3 o 4 'yong regional prison and we want them complete by 2027," ani Remulla.

Kabilang sa mga nakalaya ang isang 54 anyos na na 30 taong nakulong dahil sa kasong rape.

"Sobra laki panghihinayang ko dahil buong buhay ko dito na lang eh. 'Yong pamilya ko nasira. Lahat nawala. Tapos ganito pa ako lalaya, na-stoke na," aniya.

Sinalubong siya ng kinakasamang matiyaga umanong bumisita sa kaniya simula 1997.

Lumaya rin ang isang senior citizen na 29 taong nakulong dahil sa murder.

"Plano ko, mayroon ako pamilya, magsama-sama kami ulit," sabi niya.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
criminal justice
corrections
Bureau of Corrections
Department of Justice
PDLs
inmates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT