6 sasakyan nagkarambola sa Shaw Blvd
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 sasakyan nagkarambola sa Shaw Blvd
ABS-CBN News
Published Dec 21, 2017 03:02 PM PHT
|
Updated Dec 21, 2017 08:10 PM PHT

MANILA (UPDATE) - Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang karambola ng 5 sasakyan at isang motorsiklo sa northbound lane ng tunnel sa Shaw Boulevard, Mandaluyong nitong Huwebes ng hapon.

Kabilang sa mga naaksidente ang isang pickup truck, 2 sports utility vehicle (SUV), 2 sasakyan, at isang motorsiklo.

Kasama ang isang crew cab ng ABS-CBN News sa mga sasakyang naaksidente.

Ayon sa isang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na rumesponde sa insidente, kabilang sa mga nasugatan ang ABS-CBN News reporter na si Doris Bigornia.

Nagtamo umano si Bigornia ng sugat sa ulo at agad dinala sa ospital.

Bukod kay Bigornia, may dalawa pang dinala sa ospital. Unresponsive ang isang pasahero habang nahilo at sumuka naman ang isa pang babae.

Wala namang naiulat na namatay sa aksidente.

Nag-abiso naman ang MMDA sa mga motorista na humanap ng alternatibong daan dahil pansamantala na munang isinara ang northbound lane sa tunnel.