Mga kampo ng militar sa Maguindanao pinasabugan ng granada
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kampo ng militar sa Maguindanao pinasabugan ng granada
Jasper Acosta,
ABS-CBN News
Published Dec 21, 2017 09:03 PM PHT

Pinasabugan ng granada ang tapat ng kampo ng militar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, sumabog ang granada may 20 metro ang layo mula sa checkpoint ng mga sundalo ng Task Force Kutawato sa Barangay Tamontaka.

Hinagisan din ng improvised hand grenade ang detachment ng Echo Company ng 38th Infantry Battalion sa bahagi ng Broce, Datu Odin Sinsuat na ilang metro lamang ang layo sa naunang pagsabog.

Walang naitalang sugatan sa mga pagsabog.
Walang naitalang sugatan sa mga pagsabog.
ADVERTISEMENT
Narekober sa pinangyarihan ang pira-pirasong metal fragments ng pampasabog.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay umano ng dalawang 4-wheel vehicle ang taong naghagis ng granada mula sa Cotabato City patungo sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Naniniwala si Major Gen. Arnel dela Vega, commander ng 6th Infantry Division, na ang magkasunod na pagpapasabog ng granada ay diversionary tactics ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Layunin umano nito na ilihis ang atensiyon ng militar sa patuloy na clearing operations sa Barangay Tonganon sa Carmen, North Cotabato laban sa grupo ni Abu Turaife na mga taga-suporta ng terrorist network na Islamic State.

Ayon kay Vega, patuloy na naka-alerto ngayon ang mga sundalo at maging ang mga pulis dahil sa papalapit na selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon upang mapigilan ang anumang banta ng karahasan na binabalak ng mga armadong grupo.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa tagapagsalita ng BIFF Bungos Faction na si Abu Misry Mama, inako nito na sila nga ang responsable sa mga pagpapasabog.

Noong Martes, pinasabugan din ng M79 grenade launcher ng BIFF Bungos Faction ang tapat ng detachment ng 38th Infantry Battalion sa Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao na ikinasugat ng dalawang sundalo.