Bata sugatan matapos masabugan ng boga
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata sugatan matapos masabugan ng boga
Jay Dayupay,
ABS-CBN News
Published Dec 27, 2017 04:40 AM PHT

Sugatan ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos masabugan ng boga sa Barangay Labangal, General Santos City Linggo ng gabi.

Kwento ng kanyang ina, naglalaro umano ang mga pinsan nito ng boga at saktong napadaan ang bata nang sumabog ito.

"Dinala namin siya agad sa ospital kasi umiiyak na siya. Namumula na rin yung mata niya," aniya.

Ayon kay Dr. Mely Lastimoso ng City Health Office, ito ang unang naitalang biktima na pagpapaputok sa General Santos City.

Dagdag niya, magpacheck-up agad kung nasugatan sa anumang uri ng paputok.

"Kasi nakamamatay ang tetanus...Huwag kayong magself-medicate," ani ni Lastimoso, chief ng epidemiology and surveillance unit.

Muli ring nagpaalala ang City Health Office na bawal gumamit ng iligal na mga paputok sa mga kabahayan.

Pwedeng makulong at magmulta ng hindi bababa sa P20,000 ang mga mahuhuling gumamit ng iligal na mga paputok.

May firecracker ban sa General Santos City kaya pyrotechnics at mga pailaw lang ang pinapayagan na gamitin sa mga bahay.

"Marami tayong mga pamamaraan para mag-ingay at magtaboy ng malas kaya mas mabuting sumunod nalang tayo sa patakaran," dagdag ni Lastimoso.