Pag-aayos ng Visa Program para sa Pinoy construction workers sa Guam, isinusulong
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-aayos ng Visa Program para sa Pinoy construction workers sa Guam, isinusulong
Louella Losinio | TFC News Guam
Published Dec 31, 2022 07:54 AM PHT

GUAM - Naalarma ang gobyerno ng Guam dahil sa kakulangan ng mga construction workers na susuporta sa pagpapatuloy ng mga military realignment projects sa isla. Kaya naman nagbibigay ngayon ng H2B visa program ang federal government ng Estados Unidos at mga territory nito gaya ng Guam para kumuha ng mga manggagawa para pansamantalang magtrabaho sa kanilang lugar kapag may kakulangan sa labor force.

Mga construction worker ang kailangan ngayon sa Guam at kapag natapos ang proyekto, babalik din sa pinanggalingang bansa ang mga trabahador.

Taong 2019 pansamantalang tinanggal ang Pilipinas sa listahan ng pinagkukuhanan ng mga trabahador. Ayon sa US Federal Registry, maraming Pinoy ang nag-o-overstay at may mga kaso pa ng mga Pinoy H2B workers na nasangkot sa human trafficking.

Pero ibinalik sa listahan ang Pilipinas noong 2021, lalo't kailangan ng Guam ng construction workers na magta-trabaho sa military realignment project ng isla.

“We had a candid discussion about the issues that the contractors face in their processes for getting H2B workers here...As you all know, the military buildup is overwhelming, I think, in terms of demand for construction and workers. And of course we have our own civilian construction projects that we also need to get going to expand our economy,” pahayag ni Guam Governor Lou Leon Guerrero.

Giit ng mga opisyal ng Department of Labor sa Guam, kailangan ng maayos na pagproseso ng mga manggagawa mula sa Pilipinas.

“US Department of Labor has no control over the H2B program, unlike in the CNMI, the Governor has a certifying authority. What we are working here is just the process, trying to streamline it. We work very hard to get the adverse effect so we can allow civilian projects to move forward,” sabi ni Guam Department of Labor Director David Dell’Isola.

Dumating kamakailan sa Guam ang ilang kongresista ng Pilipinas, para talakayin ang isyu at isa sa mga nakikitang solusyon ang paglalagay ng labor attache sa Guam.

Tinatayang may mahigit ng tatlong libong H2B workers ngayon sa isla ngunit ayon sa mga opisyales ng Guam Department of Labor ang numerong ito ay inaasahang dumoble pa sa mga darating na mga taon dahil sa pagpapatuloy ng mga proyekto para sa military realignment sa isla.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT