FACT CHECK: DSWD nagbabala laban sa impostor nitong website
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: DSWD nagbabala laban sa impostor nitong website
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Oct 16, 2024 11:47 AM PHT
|
Updated Oct 16, 2024 12:09 PM PHT

Peke at impostor ang website na gumagamit ng pangalang “DSWD PH ASSISTANCE” at may uniform resource locator (URL) na “dswdcashassistance.ph.”

Kung susuriing mabuti, makikita ang ilang artikulo sa homepage ng impostor na website na katulad ng sa orihinal na website ng DSWD. Naka-embed din ang lehitimong social media account ng DSWD sa impostor na website upang magmukha itong makatotohanan.

Sa isang public advisory ng DSWD noong Oktubre 11, 2024, binalaan ng ahensiya ang publiko laban sa nasabing impostor na website.

“Ang nasabing website ay kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo at programa ng Kagawaran mula sa official communication channels ng DSWD, ngunit hindi ito opisyal na kinikilala o pinamamahalaan ng ahensya,” saad sa public advisory nito.

Bukod dito, gumagamit ng “.ph” sa URL ang impostor na website. Samantala, gumagamit ng “.gov.ph” ang lahat ng opisyal na website ng mga ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas, kasama ang DSWD.

Ang Tara, Basa! Tutoring Program ng DSWD ang isa sa mga programa ng DSWD na itinampok sa isa sa mga artikulo na nasa impostor na website. Pinamagatan ang artikulo na “DSWD Tara Basa Tutoring Program: How to Join.” Ipinaliwanag dito ang mga layunin ng nasabing tutoring program, mga benepisyo tulad ng cash-for-work para sa mga tutor at magulang, at mga kwalipikasiyon para maging benepisyaryo nito.

Ilan pa sa mga artikulo ng impostor na website ay ang proseso ng paglahok sa mga programa ng DSWD tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), supplementary feeding program, at educational assistance sa ilalim ng AICS.

Ayon sa DSWD, hindi na-review at na-verify ng ahensiya ang mga impormasyong nakalagay sa impostor na website at posibleng hindi tama lahat ng impormasyong nakasaad dito.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
Department of Social Welfare and Development
DSWD
educational assistance
fake website
impostor website
misinformation
disinformation