Pinaniniwalaang scam hub sa Maynila, ni-raid ng PNP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinaniniwalaang scam hub sa Maynila, ni-raid ng PNP

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Ni-raid ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Martes ng gabi ang isang commercial at residential establishment sa kahabaan ng Adriatico Street sa Maynila na pinaniniwalaang lugar ng scam hub.

Sa impormasyon na ibinahagi ng pulisya, isinilbi ng mga elemento ng PNP at PAGCOR ang search warrant laban sa isang korporasyon bandang alas-9 ng gabi.

Ito ay kaugnay umano ng isinasagawang live illegal online love scam at cryptocurrency investment scam sa isang office space doon.

Nasa 69 na foreigners at 47 na Pilipino ang nasa kustodiya ng pulisya. Sa mga foreigners, 35 dito ang Chinese, 11 ang Indonesian, at 10 ang Malaysian, sabi ni PCol. Jay Guillermo, hepe ng Cyber Response Unit sa PNP ACG.

“We have a complainant na sinasabi niya, may isang floor – 23rd floor of the building – is involved in a love scam. Ang modus is like mayroong – they’re looking for a relationship and at the end, they would be. Kumbaga, they are asking the victim to invest in cryptocurrency,” ani PCol. Guillermo.

“Because this is in relation to [the violation of] Sec. 6 ng RA 10175, we were able to see and check the computers… we will be extracting all the pieces of evidence na puwedeng makita sa cellphone and the device. And that would be the time we would be checking sino ba ang responsible sa krimen,” dagdag niya.

Sabi pa ng pulis, walang big boss na nakuha sa kasagsagan ng halos 7 oras na raid at puro empleyado lang ang nandoon.

Sa inisyal na report ng pulisya, patuloy ang pag-operate sa mga naturang ilegal na gawain matapos ma-cancel ang kanilang lisensya Nobyembre noong isang taon.

Ilang beses na rin umanong na-raid ang establisimiyento.
Ilang beses na rin umanong na-raid ang establisimiyento.
ADVERTISEMENT
Target din umano nila ang mga indibidwal sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng mga account na kanilang ginawa.

“Parang automatic na kapag ikaw ay Indonesian, may automatic translator na foreign language. So siyempre kung ako mag-eencode – Malaysian, Chinese. I-eencode ko muna sa aking language tapos automatic na mag-aappear sa sinong kausap niya online. Yun ang script niya ngayon,” kuwento ni PCol. Guillermo.

“Kumbaga ang kausap mo ay local din but they are here.”

Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang mga foreigner nang ilabas sila ng pulisya papunta sa coaster na patungong Camp Bagong Diwa para maproseso.

“We are checking the details kung ano ba ang katayuan nila sa Pilipinas. If we found out na wala naman silang documents, we will be coordinating with the Bureau of Immigration regarding sa kanilang mga status,” ani PCol. Guillermo.

Patuloy ang pagsailalim ng pulisya sa forensics sa mga computer at mga gadgets na nakumpiska doon.

Hindi naman pinayagan makapasok muna ang ilang residente sa lugar, pero pinayagang makalabas ang empleyado na nagtatrabaho sa iba pang mga kumpanyang nag-ooperate sa building.

Bantay-sarado ng pulisya ang building hanggang nitong Miyerkules ng umaga.