Halos 32,000 pulis naka-deploy sa buong bansa ngayong Undas 2024
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 32,000 pulis naka-deploy sa buong bansa ngayong Undas 2024
CAMP CRAME — Nananatiling naka-heightened alert status ang mga regional offices ng Philippine National Police ngayong Undas 2024.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Brig. Gen. Jean Fajardo, bagamat wala silang namo-monitor na banta, nagdagdag sila ng mga tauhan na magbabantay sa mga matataong lugar na nakahanda umanong umalalay sa publiko.

“As of 12 noon today po ay umabot na sa 31,974 yung naka deploy nating personnel nationwide kasama na po yung mga nasa sementeryo at yung police assistance desk na inilagay po natin sa mga transport terminal at major thoroughfares para masiguro na makakaalalay tayo sa mga nag-bibiyahe nating kababayan,” sabi ni Fajardo.

Mula sa 21,000 pulis nitong Oktubre 30, ini-akyat na ito sa halos 32,000 maliban pa sa mga force multipliers.
Mula sa 21,000 pulis nitong Oktubre 30, ini-akyat na ito sa halos 32,000 maliban pa sa mga force multipliers.
ADVERTISEMENT
“Hindi na lamang po tayo ngayon sa sementeryo magbabantay nandyan din po ang columbarium at siyempre may kababayan din po tayo na pinipili din po na i-avail yung long weekends pati po yung mga tourist spots natin o tourist police natin ay ideniploy natin kasi inaaasahan din po natin dahil normally may mga nag-avail din po ng bakasyon sa mga ganitong pagkakataon,” sabi ni Fajardo.

“Ini-expect po natin na today po ay dodoble po ang bilang ng mga magbibigay-biyahe at as of kanina ay nag increase na rin ang mga kababayan na mas pinili na mas maagang pumunta po sa sementeryo,” dagdag niya.

Paalala naman ng PNP sa mga magtutungo sa sementerya, iwasan ang pagdadala ng mga matatalim at matutulis na bagay at ang pagdadala ng alak at flammable material.

“May mga nakumpiska na rin po tayong mga hindi po unauthorized na mga gamit like mga kutsilyo at other bladed at flammable materials po kaya paalala po natin para hindi na maantala nag pagpasok niyo sa mga sementeryo, dahil nagpapatupad narin po ng ibang guidelines yung management ng ibang cemetery, so hindi po pinapayagang mag pasok ng mga bladed weapons at matutulis na bagay kagaya ng kutsilyo at screw drivers,“ sabi niya.