Patrol ng Pilipino: Mga magulang ni Atio Castillo gustong managot ang UST
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Mga magulang ni Atio Castillo gustong managot ang UST
Patrol ng Pilipino
Published Oct 04, 2024 10:35 PM PHT

MAYNILA — Kahit nakamit na ang inaasam nilang hustisya sa pagkahatol sa 10 akusado sa pagkamatay ng law student na si Horacio “Atio” Castillo III, naniniwala ang kanyang mga magulang na responsable rin ang kanyang unibersidad sa nangyari sa kanya pitong taon na ang nakararaan.

Tingin ng ama ni Castillo na si Horacio Jr., kailangang may managot din sa University of Santo Tomas (UST) sa hazing case na sangkot ang Aegis Juris Fraternity.

Pero iginiit ni UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina, hindi nagkulang ang institusyon sa pagprotekta kay Castillo dahil mayroong mga polisiya at batas ang unibersidad laban sa hazing.

Hinatulan ang 10 fratmen ng Manila RTC Branch 11 ng reclusion perpetua o panghabambuhay na pagkakakulong. Pinagbayad rin sila ng mahigit P600,000.

Ikinatuwa man ang paghatol ng korte, tuloy naman ang panawagan ng pamilya Castillo na itigil na ang kultura ng hazing sa mga fraternity.

– Ulat ni Adrian Ayalin, Patrol ng Pilipino
Video produced and edited by Haztin Harold Jardin
Read More:
Patrol ng Pilipino
Horacio “Atio” Castillo
Manila RTC
Hazing
UST
Divina
Fraternity
Aegis Juris Fraternity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT