Pulis posibleng susi umano sa Barayuga slay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis posibleng susi umano sa Barayuga slay

Pulis posibleng susi umano sa Barayuga slay

Raya Capulong,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 04, 2024 07:42 PM PHT

Clipboard



MAYNILA — Apat na pulis na ang sinibak sa pwesto kasunod ng isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay kay retired police general at dating Philippine Charity Sweepstakes Office board secretary Wesley Barayuga.

Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo, bukod kina PCol. Hector Grijaldo at Police Lt. Col. Santie Mendoza, inalis na rin sa pwesto ang dating asawa ni PCSO General Manager Royina Garma na si PCol. Roland Vilela na dating nakatalaga sa PNP-Information Technology and Management Service.

Ganundin si PSgt. Jeremy Causapin alyas "Toks" na nakatalaga sa CIDG at nagsilbi bilang police security detail ni Garma.

"Remember nabanggit yung pangalan niya na may sinasabi na involvement niya kay GM Garma dahil sila ay naging mag asawa before at may mga revelation na during the quadcom na hindi natin pupuwede balewalain ito dahil these are serious allegations. It involves possible money transfer involving allegedly si GM Garma at may mga lumalabas na report. So para mas maging handa siya every time kailangan natin siya so minarapat na irelieve siya. So maliban sa kanya nauna na rin narelieve si Col. Grijaldo, si Col. Santie Mendoza and they are now under protective custody especially si Santie Mendoza to make sure safe po siya at secure at yung isa pang nabanggit na pangalan nsi alis Toks na si Sgt. Jeremy Causapin na minention din na diumano na siya yung nagbigay ng P300,000 dito kay Nelson Mariano," sabi ni Fajardo.

ADVERTISEMENT

Naka restrictive custody sa Personnel Holding and Accounting Unit ang tatlo maliban kay Causapin na pinagahanap ngayon ng pulisya.

Matapos mabanggit ang pangalan nito sa pagdinig sa House Quad Committee, hindi na anila ito nagreport sa CIDG.

Ayon kay Fajardo, nagbitiw si Causapin sa serbisyo.

"I was informed earlier by Gen. Torre na nung pinuntahan nila itong tao na ito sa kanilang bahay hindi nila natagpuan at ang humarap sa kanila ay yung misis at pagharap nung misis ay ibinigay niya yung letter of resignation ni Sgt. Kausapin at right there and there ay isinurrender yung baril niya,” ani ni Fajardo.

Naniniwala ang PNP na posibleng susi si Causapin sa kaso dahil sa mga nalalaman nito.

ADVERTISEMENT

Sa kabila naman ng pagbibitiw nito sa serbisyo, giit ng PNP na hindi pa rin lusot si Causapin sa imbestigasyon.

“Siya yung sinasabi na diumano ay nagbigay ng money dito kay Nelso Mariano at siya din allegedly yung bata ni GM Garma na nagbibigay ng information. So siya yung link so critical yung magiging koneksyon niya dito sa kaso na ito.... we have to make it clear kahit nagresign siya ay hindi yun magiging dahilan para hindi natin siya imbestigahan at habulin with respect dito sa kaso na ito because it appears na meron siyang malaking kinalaman dito dahil namention siya dito sa kaso ni Barayuga and also if you may recall doon din sa iniimbestigahan sa pagkamatay nung 3 Chinese nationals doon sa Davao Penal Colony his name was also mentioned,” sabi ni Fajardo.

Gayon man, umaapela sila kay Causapin na makipagtulungan sa pulisya para sa ikalulutas ng kaso.

“Ang sinasabi nga natin flight is a sign of guilt pero gusto pa rin natin umapela sa kanya kung siya ay may nalalaman, siya ay natatakot kaya siyang proteksyunan ng PNP but the fact na siya ay nagresign hindi natin alam kung ano yung tumatakbo sa kanyang isipan but again it would be for his best interest kung magpapakita siya,“ ani ni Fajardo.

Tukoy na rin ngayon ng PNP-CIDG  ang mga pulis na unang nag-imbestiga sa pagpatay kay Barayuga kung saan naging cold case ito noong 2020.

ADVERTISEMENT

“Hawak na ngayon ng SITG yung mga dokumento at records ng case with respect sa naging investigation at naidentify na nila kung sino sino yung mga pulis na humawak ng mga kaso na ito at kausap ko kanina si Gen. Torre and they are confident doon sa tinatakbo ng kanilang investigation ay maidentify nila yung mga personalities that may have possibly na may kinalaman dito sa kaso na ito,” sabi ni Fajardo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.