Substitution ng mga kandidato sa Halalan 2025, mas hinigpitan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Substitution ng mga kandidato sa Halalan 2025, mas hinigpitan

Patrol ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA — Sa May 12, 2025 national and local elections, bawal na ang "placeholder" candidates o mga kandidatong nagrereserba lang ng puwesto para sa mga gusto talaga tumakbo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Papayagan na lamang ang substitution kung mamatay o ma-disqualify ang isang kandidato, at ang papalit ay kailangang kaapelyido at kapartido nito.

Inalis na rin ang hiwalay na deadline para sa substitution ng mga kandidato na kalakaran sa mga nakaraang halalan.

Kasabay na sa period of filing ng certificates of candidacy mula Oktubre 1 hanggang 8 ang palugit para makapaghain ang mga opisyal na tatakbo–substitute man o hindi.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, layunin ng bagong regulasyon na maiwasan ang mga huling-minutong pagpapalit ng kandidato gaya ng mga nangyari noong 2016 at 2022 elections, nang may pumasok na "surprise candidates".– Ulat ni Sherrie Ann Torres, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.