Lalaki nanaksak, inaresto sa Bagong Barrrio, Caloocan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nanaksak, inaresto sa Bagong Barrrio, Caloocan

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA -- Sa ospital ang bagsak ng isang lalaki matapos na pagtulungang bugbugin ng taumbayan sa bahagi ng EDSA corner J. Mariano Street sa Barangay 95, Caloocan City pasado alas-8 ng umaga nitong Miyerkules.

Lumalabas sa imbestigasyon na nang-agaw ng patalim ang lalaki sa isang vendor ng pinya sa may footbridge sa EDSA. Mula naman sa footbridge dito na pinag-uundayan ng saksak ng lalaki ang lahat ng makasalubong niya, ayon kay Caloocan City Police Sub Station 2 Commander Police Captain Mark Anthony Eusebio.

"Inabutan ng ating kapulisan yung ano lalaki po na nag-aamok, ginawan ng paraan ng ating kapulisan na ma-pacify o kausapin yung nanaksak, pero mahirap kausapin," sabi ni Eusebio.

"Tumulong po yung taumbayan sa ating kapulisan para kahit papaano ma-subdue o ma-pacify yung nangyayaring pag-aamok, bayolente na," dagdag niya.

Kinumkumpirma ng pulisya ang mga impormasyong ibinigay ng lalaki gaya ng address at ang totoong pangalan nito.

"Di pa rin malinaw kasi di gaano klaro yung mga sinasabi niya na statement," sabi ni Eusebio.

Ayon naman sa barangay, hindi nila residente ang suspek na agad nilang dinala sa ospital.

"Tinanong po siya kung nakainom, ang sabi po daw lulong sa droga kaya hindi niya po alam yung mga ginawa niya, nung nahimasmasan na po siya sa ospital yun po ang sabi, hindi po taga sa aming barangay po iyon, ligaw lang po siya," sabi ni Nelia Ormenita, Kagawad ng Barangay 95.

Dalawa ang kumpirmadong nasaksak ng suspek.
Dalawa ang kumpirmadong nasaksak ng suspek.
ADVERTISEMENT
Nagtamo ng saksak sa likod at ibang parte ng katawan ang security guard na si Basalo Santos Jr.

Ikinagulat naman ni Harvey Bucio ang pananaksak ng suspek. Nagtamo siya ng saksak sa tagiliran.

"Nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon na ito lang ang nangyari sa akin. Diyos lang nakakaalam. Nagpapasalamat ako na may alam akong konti natutunan ko nadepensahan ang sarili ko, naagaw ko ang kutsilyo," sabi ni Santos.

"Bigla nalang natumba ako sa pagkakaupo, may sumaksak na pala sa akin sa tagiliran. Paglingon ko yun na yun, lalaking iyon… Buti nakatakbo ako agad, kasi kung hindi uundayan niya ako ulit ng saksak. Tinigilan na ako, tinawag ko kasama ko na tulungan ako, tumawag ng barangay at pulis… Doon siya lalong nagwala nung nakakita na siya ng pulis," sabi ni Bucio.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek.
ADVERTISEMENT
"As of the motive hind pa talaga namin ma-determine kung ano yung motive niya sa ginawa niyang pananaksak, dahil yung estado nung suspek eh, di natin malaman kung ano ba talaga status niya… base po sa nandun mga nurse kinukuhanan siya ng statement eh ang ginagawa ng tao eh nandudura, iba iba po sinasabi ng suspek," sabi ni Eusebio.

Narekober mula sa suspek ang kutsilyong ginamit sa krimen may habang 12 pulgada.

Mahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kasalukuyang nasa ospital matapos na paluin sa ulo at bugbugin ng taumbayan.