Lalaking napikon, nanaksak ng kapitbahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking napikon, nanaksak ng kapitbahay

Lalaking napikon, nanaksak ng kapitbahay

ABS-CBN News,

Karen De Guzman

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Timbog ang isang lalaki na nanaksak umano ng nakapikunang kapitbahay sa Barangay 102 sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Nakuhanan ng CCTV ang pag-aaway ng dalawang lalaki sa may eskinita ng Sta. Catalina Street bandang alas-siete ng gabi. 

Nang makarating sa kanto, napaupo sa gilid ang isang lalaki kung saan siya pinagsalitaan at dinuro-duro ng nakaalitan.

Hindi nahagip ng CCTV ang mga sumunod na pangyayari pero sinaksak na umano ng suspek ang napaupong lalaki.

ADVERTISEMENT

“Itong ating suspek ay nagtanong sa biktima ngunit ito ay hindi nagustuhan ng suspek ‘yung tinanong niya hanggang sila po ay nagtalo at nagsuntukan,” ayon kay PCpt. Jayson Viola, Chief Investigation and Intelligence Section ng Raxabago Police Station.

“Habang nakahandusay na po ‘yung ating biktima ay umuwi ng bahay itong suspek. Bumalik sa pinangyarihan at hinabol at inundayan niya ito ng saksak,” dagdag ni PCpt. Viola.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival. 

Kwento ng suspek, totoong nagkapikunan sila ng biktima pero itinanggi niya ang pananaksak.

“Sinabihan po niya ako ng hindi maganda. Ngayon po meron kaming gate po. Naganun ko po ‘yung gate. Ayun po nagpambuno po kami. Suntukan lang po wala na pong iba,” depensa ng suspek.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman din ng pulisya na dati nang nakulong ang suspek sa reklamong frustrated murder. 

Mahaharap ito ngayon sa reklamong homicide. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima. 




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.