FACT CHECK: Peke ang post tungkol sa hiring ng DepEd ng guro at office staff | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Peke ang post tungkol sa hiring ng DepEd ng guro at office staff
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Feb 02, 2024 03:36 PM PHT

Hindi galing sa Department of Education (DepEd) ang kumakalat na larawan sa social media tungkol sa mga bakanteng posisyon para sa guro at office staff para sa susunod na school year.

Sa post ng Facebook page na “PRC Job Opportunities,” ang nasabing larawan ay may caption na “DepEd is Hiring S.Y. 2024-2025 With or With out License” para diumano sa “teachers” at “office staff.” Ang post ay may kasamang link kung saan maaaring mag-apply.

Sa larawan, sinasabing nasa 5,000 ang bakanteng posisyon ng kinder, junior, at senior high school teacher. Samantala, nasa 10,000 naman ang bakanteng posisyon ng elementary teacher at office staff. Ang buwanang sweldo diumano ay aabot ng P27,000 hanggang P45,000.

Ang link na nakalagay sa post ay magdidirekta sa user sa isang blog website na may pangalang “PRC JOB HIRING 2024” at hindi sa opisyal na website ng DepEd.

Sa blogsite, hinihingi ang ilang impormasyon tulad ng buong pangalan, e-mail address, telepono, at cover letter.

Pinasinungalingan ng DepEd ang diumano’y hiring program na ito sa isang pahayag na ipinadala nito sa ABS-CBN Fact Check Team.

“The Department of Education (DepEd) warns the public about the FAKE DepEd job vacancies circulating online. Job vacancies of DepEd are posted on its official website and social media accounts,” ayon sa DepEd.

Ang mga bakanteng posisyon sa DepEd Central Office ay makikita sa kanilang opisyal na website. Habang ang mga bakanteng posisyon naman para sa iba pang mga division offices ng DepEd ay makikita sa kani-kanilang mga opisyal na social media account.

“DepEd, through the School Divisions, may have an ongoing hiring process for teachers and non-teaching personnel. Teacher recruitment and calls for applications typically begin in January of each year,” paliwanang ng ahensiya.

Tinukoy ng DepEd ang “Philippine Teachers Professionalization Act of 1994,” na nagsasaad na tanging mga lisensyadong guro lamang ang tinatanggap sa mga bakanteng posisyon, maliban na lamang kung may kakulangan ng mga aplikante na may lisensya o nakapasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) para magturo sa mga espesyal na asignatura sa Senior High School.

Ang eksepsyon na ito ay batay sa “Enhanced Basic Education Act of 2013.”

“DepEd SDOs (Schools Division Office) may be allowed to hire non-LEPT passers under provisional appointments; provided that there are no qualified eligible applicants with appropriate specialization, as certified by the Schools Division Superintendent,” dagdag ng ahensiya.

“Please report any misleading and suspicious information about basic education to depedactioncenter@deped.gov.ph,” panawagan ng ahensiya.

Hindi ito ang unang beses na nag-fact check ang ABS-CBN tungkol sa mga impostor na Facebook pages na nagpapanggap na lehitimong account ng mga ahensiya ng gobyerno.