Pinaluwag na EDSA-Ortigas sidewalk, aprub nga ba?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinaluwag na EDSA-Ortigas sidewalk, aprub nga ba?

ABS-CBN News,

Patrol ng Pilipino

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILAPinalawak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sidewalk sa EDSA-Ortigas na inireklamo dahil sa pagiging masikip.

Nilagyan ito ng temporary steel barriers para luwagan ang madadaanan sa bangketa.

Positibo ang reaksyon ng ilang mga pedestrian lalo’t mas maiiwasan anila ang tulakan at siksikan tuwing rush hour.

Pero nag-aalala ang isang mobility advocacy group na hindi ito pangkalahatang solusyon sa problema.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Ira Cruz, director ng AltMobility PH, sagabal naman ang steel barriers sa mismong kalsada at maaaring pagmulan ng aksidente.

Oobserbahan ng MMDA ang epekto ng steel barriers sa mga commuter at motorista para malaman kung gagawin itong permanente.
 
Ulat ni Johnson Manabat, Patrol ng Pilipino



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.