SAPUL SA CCTV: Riding-in-tandem nanghablot ng cellphone
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Riding-in-tandem nanghablot ng cellphone
ABS-CBN News,
Karen De Guzman
Published Feb 05, 2024 09:12 AM PHT
|
Updated Feb 05, 2024 11:28 PM PHT

Sapul sa CCTV ang panghahablot ng cellphone ng riding-in-tandem sa may kahabaan ng Taft Avenue sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Base sa salaysay ng biktima sa barangay, may bibilhin lang siya sa isang tindahan nang biglang tangayin ng mga kawatan ang kanyang cellphone.

“Nagce-cellphone siya while walking saka meron po siyang suot na airpods," ayon kay Punong Barangay Ruth Ancheta ng Barangay 36, Pasay City.

Kita sa CCTV na dalawang beses pang nakaikot ang riding-in-tandem bago puntiryahin ang gadget ng biktima.
Kita sa CCTV na dalawang beses pang nakaikot ang riding-in-tandem bago puntiryahin ang gadget ng biktima.
ADVERTISEMENT
Sinubukang pa nitong habulin ang mga suspek pero nakatakas din ang mga ito.

"Mula po doon sa pinagbilhan niya hanggang doon sa Buendia, umabot po siya ng 500 meters," sabi ni P/B Ancheta.

"Parang takot din po at balisa, at hindi ho siya makausap ng maayos dahil siguro sa shock niya."

Hindi naman aniya nagkukulang ang barangay sa paalala na mag-ingat sa mga masasamang loob, lalo na sa matataong lugar.

"May mga signages po kami dyan sa Taft area. Makikita niyo po Tagalog po ‘yun, madaling maintindihan," ayon kay Ancheta.

"Sana ho habang naglalakad kayo, e huwag na kayong gumamit ng any gadgets para hindi po kayo mabiktima ng riding-in-tandem," dagdag niya.

Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang riding-in-tandem.