Sunog sumiklab sa Pandacan, ilang residente muntik ma-trap | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Pandacan, ilang residente muntik ma-trap

Sunog sumiklab sa Pandacan, ilang residente muntik ma-trap

ABS-CBN News,

Karen de Guzman

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sumiklab ang sunog sa magkakadikit na bahay sa Barangay 836 sa Pandacan, Maynila bandang ala-una ng madaling araw nitong Huwebes.

Kwento ng residente na si Victor Alamil, nakatulog na sila nang makarinig sila ng mga nagpuputukan na mga kable ng kuryente.

“Doon po nagsimula ‘yung apoy sa gilid ng bahay namin na maraming wire. Sumiklab kaagad ‘yung apoy kaya ‘yung mga tao, nagtakbuhan na. Kakaunti lang ‘yung naisalba naming gamit, halos lahat natupok e,” sabi ni Alamil.

Nahirapang rumesponde ang mga bumbero dahil sa masisikip na daan kaya itinaas nila sa ikalawang alarma ang sunog para mapigilan ang pagkalat ng apoy.

ADVERTISEMENT

“Para po kung magkaroon man ng kakulangan sa tubig, madali po silang masuplayan kasi ‘yung mga components po natin dito is light materials,” ayon kay FInsp. Cesar Babante, Station Commander ng BFP Manila Station 3.

Tatlong magkakamag-anak ang nahirapang makalabas at muntik pang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay. 

"Pag bukas namin, ang lakas na po ng apoy. Sinara na namin, hindi na kami makalabas. Tapos ‘yung usok punong puno na dun sa bahay namin. Hindi kami makababa kasi mataas po ‘yung hagdanan," sabi ni Jelenny Parane. 

Inabot ng halos 30 minuto bago sila nakalabas ng bahay, sa tulong ng mga bumbero. 

"Sobrang tagal po kasi. Hindi nga po namin alam kung mabubuhay pa kami dun sa loob kasi sa gilid po ng hagdanan, meron na rin pong apoy," sabi ni Parane.

ADVERTISEMENT

"Na-notice ko po na disoriented po sila kaya ginrab ko po agad sila tapos inassist ko po at binigay ko po dito sa relatives nila," ayon kay FO3 Nilo Tamayo Jr., nag rescue sa pamilya.

Mag-a-alas dos ng madaling araw tuluyang naapula ang apoy na tumupok sa nasa limang bahay at naapektuhan ang 12 pamilya.

Sa inisyal na pagtataya ng BFP, aabot sa P570,000 ang kabuuang halaga ng pinsala ng apoy.

Walang naiulat na nasawi sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang pinagmulan ng sunog.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.