Holdaper ng taxi bugbog-sarado sa Pasay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Holdaper ng taxi bugbog-sarado sa Pasay

Holdaper ng taxi bugbog-sarado sa Pasay

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 10, 2024 06:53 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Bugbog-sarado ang isang lalaki matapos mangholdap umano ng taxi driver sa Barangay 13 sa Pasay City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kwento ng taxi driver, sinakay niya ang lalaki sa Pasay Rotonda at nagpahatid sa Leveriza. 

Kinutuban na siya dahil ang lalaki mismo ang nagdidikta kung saan sila dadaan. At nang makarating sa may Williams Street, tinutukan siya nito ng kutsilyo. 

“Akin na ‘yung cellphone ika niya. Sabi ko hawak mo ko e, paano ko maabot? (Sabi niya) sige na bilisan. Tinutukan niya, tutuluyan kita ika niya,” kwento ng taxi driver. 

ADVERTISEMENT

Sakto namang may dumaan na mag-asawa na nakaagaw sa kanila ng pansin. Palusot ng lalaki, kinokontrata umano siya ng taxi driver.

“Binuksan ko ‘yung pinto nung malapit na. Tapos sabi niya, hindi parehas ‘tong taxi driver e, kinokontrata ako pero naka-metro naman,” sabi ng taxi driver. 

“Tapos hinihingi na niya ‘yung pera. Sabi ko wala pa kong pera. Tapos tumakbo na siya,” dagdag ng taxi driver. 

Naglakas loob siya na habulin ang lalaki at humingi ng tulong sa mga nakatambay na residente na kumuyog sa suspek.

“Habang dina-drive ko, nakabukas ‘yung pinto. Nagsisigaw na ko ng tulong, holdaper kako. Narinig nila tapos hinabol nila. Banda roon na-corner na siya ng mga netizen, binugbog na siya,” sabi ng taxi driver.

ADVERTISEMENT

 Ayon sa rumespondeng tanod, nagpakilala pa bilang pulis ang suspek pero wala naman siyang maipakitang I.D. 

Narekober sa loob ng taxi ang isang kitchen knife at ang tinangkang kunin na cellphone at pera na P1,500.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nakainom noon ang suspek.

“Sabi niya is galing siya sa isang inuman and then, parang hindi raw sila nagkasundo sa presyo ng babayaran niya sa taxi,” sabi ni Lt. Ramil Antonio, Deputy Station Commander ng Pasay CPS Sub-Station 1. 

“Patuloy naming inaalam ‘yung tunay na background nitong suspek at kung meron ba ‘tong mga criminal records,” dagdag ni PLt. Antonio:

ADVERTISEMENT

Posibleng maharap sa reklamong robbery-holdup ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.