Droga nasabat sa buy-bust operation ng PDEA sa Parañaque

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Droga nasabat sa buy-bust operation ng PDEA sa Parañaque

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nasabat ang nasa 500 gramo ng shabu sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Eastern District office kasama ang Don Bosco Police Sub Station sa parking lot ng isang mall sa Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Tatlo ang naaresto kung saan narecover sa kanila ang anım na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million. Narecover din sa kanila ang isang cellphone, ID at ang ginamit na sasakyan.

“Inaalam pa rin natin kung anong grupo or organisasyon sila, kaya yun ang dahilan bakit medyo na hold tayo dahil sa follow-up operations,” sabi ni Arvin Targa, Regional Public Information Officer of PDEA RO NCR sa panayam sa telepono.

Napag-alamang ang dalawang sa tatlong suspek ay magkapatid at dati na ring naaresto sa kaso may kaugnay sa ilegal na droga.

ADVERTISEMENT

“Ang operation nila ay dyan sa Paranaque. May previous case na ang mgakapatid sa drugs, kaya’t pinag-aralan natin paano ma -operate ang dalawa. 'Yung isa spotter," sabi ni Targa.

Nakatakdang kasuhan  ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o pagbebenta ng ilegal na droga ang mga suspek.

Muling nagpaalala ang PDEA na hindi sila tumitigil sa pagtugis sa mga nagdadala at nagbebenta ng ilegal na droga.

“Sa atin… 'di tayo titIgil sa pagsugpo sa iligal na droga. Sana wag na nilang pasukin. Sa atin PDEA hindi tayo titigil hanggang may natitirang droga," giit ni Targa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.