Higit 22,000 lumahok sa ASP Walk for Autism sa Pasay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 22,000 lumahok sa ASP Walk for Autism sa Pasay
.jpg)
MAYNILA — Pumalo sa higit 22,000 ang lumahok sa “Walk for Autism” ng Autism Society Philippines (ASP) na idinaos ngayong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Alas-6 pa lang ng umaga ay pumila na ang mga dumalo sa naturang event, na mula pa sa iba-ibang parte ng Pilipinas. Sumentro ang tema nito sa dapat pagbibigay ng autism-inclusive economic opportunities.

Sabi ni Mona Magno Veluz, spokesperson ng ASP, hindi na dapat awareness kundi pagtanggap, accommodation, at appreciation ang isinusulong sa mga isyung may kaugnayan sa autism.

“Ang mga taong may otismo ay hindi lang bata. Tumatanda rin sila at sa kanilang pagtanda, kailangan tulungan — kailangan ng gobyerno, kailangan ng private sector na tulungan sila magkaroon ng kabuhayan. Yun ang iha-highlight natin ngayon,” ani Veluz.

“Napakaimportante ng mga programang ito kasi nabibigyang pansin ang mga sitwasyon na nararamdaman natin sa laylayan, sa komunidad ng mga pamilya, ng mga may mahal sa buhay na may otismo,” dagdag niya.

Isa sa mga lumahok ay si Marie Umali at kanyang chapter sa Angeles, Pampanga. Sabi ni Umali, mahalaga ang pagsali sa mga ganitong event.

“To promote awareness sa ibang tao na itong parents support group na ASP ay napakaimportante sa amin. This is the biggest event of the year for us,” sabi ni Umali.

May mensahe naman si Veluz sa publiko.
May mensahe naman si Veluz sa publiko.
Bukod sa mga chapter ng ASP, lumahok din sa event sina Miss Universe 2023 Michelle Dee, kanyang ina na si Melanie Marquez, at aktres na si Rhian Ramos. Nagsisilbing goodwill ambassador si Dee ng ASP.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT