Kotse lumiyab matapos sumalpok sa poste ng ilaw sa Commonwealth Ave
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kotse lumiyab matapos sumalpok sa poste ng ilaw sa Commonwealth Ave

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Lumiyab ang isang kotse sa tapat ng Commonwealth market sa Quezon City matapos itong sumalpok sa isang poste ng ilaw, Miyerkules ng tanghali.

Mabilis na tumulong ang mga tindero na mailabas ang driver ng sasakyan.

Pero makalipas ang 5 minuto ay bigla ng lumiyab ang sasakyan.

“Bigla na lang lumagabog. Aksidente na pala. Lumiyab ang harap ng sasakyan. Nailabas namin yung tao doon bago lumiyab ang sasakyan. Yung tuhod nya lapnos,” sabi ng testigong si Leo Fabre.

Maswerte ang driver at natulungan agad siya ng mga tao na madala sa ambulansya at ospital.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), posibleng “self accident” lang ang nangyari. Pero inaalam pa kung ano ang talagang dahilan ng pagkakabangga nito sa poste.

“Nawalan ng control kaya bumangga sa poste ng street light. Totally nilamon ng apoy ang sasakyan,“ sabi ni traffic aide 2 Joel Gala, sector commander ng Commonwealth Special Traffic unit.

Pinaliwanag din ng MMDA kung ano ang posibleng dahilan kung bakit lumiyab ang kotse:

“Maaari sa electrical, pagbangga sa poste, nagka-electrical malfunction. Pwede lumiyab lalo na kung luma,” dagdag ni Gala.

Sa ngayon nasa ospital na ang biktima at kukuhanin pa lang ang kanyang pahayag ng mga enforcers.