Ride-hailing app driver hinoldap, ginilitan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ride-hailing app driver hinoldap, ginilitan

Masuwerteng nabuhay ang isang ride hailing app driver na biktima ng carnapping at ginilitan sa Tanza, Cavite nitong Lunes, Mayo 13.

Kuwento ng biktima, Linggo nang mag-book ang 2 suspek sa kanya. Sinundo niya ang mga ito sa coffeeshop sa isang mall sa Ermita, Maynila.

Sumakay sa passenger seat ang isa at sa likod ang kasabwat nito.

Sa San Juan umano ang dropoff point, pero nang marating ang Paco Bridge sa Sta Mesa, dito na nagdeklara ng holdup ang mga suspek. Tinutukan siya ng baril sa tagiliran ng isa at kutsilyo sa likod ng kasama nito.

“Nilagyan na po nila ako tape sa mata, sa kamay at paa, then nilipat nila ako sa likod, minanenho na po nung katabi ko yung sasakyan, hindi pa po nila tinetape yung bibig ko,” sabi ng biktima.

“Sabi ko po sa kanila, 'Sir kunin niyo na po lahat buhayin niyo lang po ako, meron po akong pamilya.' Tsaka na po nila tinape pati bibig ko at nilagay po sa apakan nila,” dagdag niya.

May 2 oras umano silang bumiyahe hanggang sa makarating sa Cavite.

“Napaka-high tech na po ng mga carnapper ngayon kasi meron na po silang GPS scanner. Mabuti na lang po wala pong scanner sasakyan ko kasi ang sabi nung isa kapag may scanner yung sasakyan mo, papatayin ka na namin ngayon,” sabi ng biktima.

“Kinausap pa po ako ng boss nila na huwag kang lalaban bubuhayin ka namin, through phone po. Ako puro, 'Hmm, hmm.' Kasi naka-mask po ako,” dagdag niya.

Pagdating sa lugar kung saan ibinaba ang biktima dito na umano siya tinangkang patayin ng mga holdaper.

“Ginilitan na po ako ng isa, dalawa... Pagpiglas ko nasaksak niya po braso ko nagpatihulog po ako sa parang kanal o creek. Awa po ng Diyos may dumaang naka motorsiklo. Sabi nung lalaki, 'Iwan niyo na yan baka mag-report na iyan, tara na,'” sabi niya.

Pag-alis ng mga suspek, dito na siya nakawala sa pagkakatali. Tinlulungan siya ng dumaang naka-motorsiklo at dinala sa pinakamalapit na ospital, kung saan siya nakausap ng Tanza police.

Agad nagsagawa ng backtracking at koordinasyon ang pulisya.

“Nakipag-coordinate na po tayo dun sa San Juan City, Manila. Nagpunta na rin po tayo sa police station po ng Sta Mesa,” sabi ni PLtCol. Willy Salazar, hepe ng Tanza Municipal Police Station.

Nasampahan na nila ng reklamong carnapping, robbery at frustrated murder ang pangalan na nag-book sa biktima at mga kasama nito.

Matatandaang may kaparehong insidente ng holdup at carnapping din sa isang ride-hailing app driver na itinapon sa Antipolo matapos na holdupin sa Sta Ana, Maynila. Dahil dito, nakipag-ugnayan ang Tanza Police sa Antipolo police.

“May resemblance, parang may possibility na the same person ang gumawa po sa kanila... mina-match po natin sa kanila para mnakita natin kung the same person. Meron na po tayong pa-file-an ng kaso,” sabi ni Salazar.

Ipapaalarma na rin sa Highway Patrol Group ang sasakyan ng biktima.

Hindi pa rin naman nahahanap sa ngayon ang mga suspek sa Antipolo at sasakyan ng biktima.
Hindi pa rin naman nahahanap sa ngayon ang mga suspek sa Antipolo at sasakyan ng biktima.
ADVERTISEMENT
Dahil naman sa insidente hindi na muling makakabalik sa kaparehong trabaho ang biktima at nanawagan sila sa ride hailing app company ng tulong.

“Buong pamilya po namin sinasabi na huwag ka nang babalik sa trabaho na ganyan, actually di ko rin po alam na ganyan, akala ko may mga valid ID bago ka mapag-book,” sabi ng asawa ng biktima.

Dagdag ng biktima, “Sa ride hailing app po pinaka concern ko po sa kapwa ko driver ng ride hailing app, sana po magkaroon po ng additional security, yung mga bookers kasi po kagaya po ng nangyari sa akin, ni wala pong picture yung tao, wala rin po akong assistance na nakuha sa kanila”

"Yung sasakyan po magbabayad pa po kami nang wala na po yung sasakyan. Di naman po kami ganung kaayaman, yung lang po pinagkakabuhayan ko sir, kaya masamang masama po loob ko."