3 patay, 5 sugatan dahil sa Bagyong Aghon, ayon sa PNP

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 patay, 5 sugatan dahil sa Bagyong Aghon, ayon sa PNP

Raya Capulong,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 27, 2024 08:35 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATED) — Nakapagtala ang Philippine National Police ng 3 patay habang 5 ang sugatan dulot ng Bagyong Aghon.

Ayon kay PNP PIO acting chief at spokesperson Col. Jean Fajardo sa report na kanilang natanggap, kabilang sa mga nasawi ang isang 7-buwang sanggol na nalunod habang ang 2 naman ay nagbagsakan ng puno.

"Ang patay ay 3 at yan ay sa Calabarzon. Ang 3 diyan ay bata yung 7-month old na namatay sa pagkalunod. Yung isa naman ay namatay dahil nabagsakan ng puno at yung isa ay ganun din nabagsakan din ng puno. Diyan yan lahat sa Calabarzon itong 3. At yung injured 5 rin itong nasa talaan natin. 1 sa Calabarzon at 4 sa Bicol region," sabi ni Fajardo.

Sa ngayon ay may nasa mahigit 160 personnel ng PNP na nakadeploy at ilan ay nakatutok sa clearing operations.

ADVERTISEMENT

"As of 12 noon ay nakadeploy yung mahigit 160 plus na PNP personnel at concentrated yan sa Calabarzon, Mimaropa at meron din tayong reserve standby forces dito sa Metro Manila at doon sa Mimaropa pati rin sa region 9 na naapektuhan nitong Bagyong Aghon at maliban diyan ay meron tayong mga more or less nasa 11,000 RSF na ready for deployment in case there is a need to augment sa mga nasabing rehiyon at kasama doon sa ating deployment ay doon sa mga evacuation center," ani ni Fajardo.

“So far yung ating efforts ay concentrated doon sa pagtulong natin sa LGUs particularly sa mga road clearing operations kasi nung nagkaroon ng baha ay may mga nagkaroon ng obstruction sa mga major roads so yun yung concentrated but nonetheless kung kailangan magdeploy tayo  ng mga SAR ay meron pong dedicated PNP personnel na readily matatap natin," dagdag ni Fajardo.

Samantala, kasalukuyan pang bineberipika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga napaulat na namatay dahil sa bagyo.

Ayon kay NDRRMC Director Edgar Posadas, kabilang sa iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang 7 taong gulang na lalaking natagpuan sa San Juan River sa Calamba, Laguna Linggo ng umaga. Ayon sa mga magulang ng bata, Sabado ng umaga siya nawala, bago pa man dumaan ang bagyo sa lalawigan.

Dagdag ni Posadas, mahalagang alamin kung may kinalaman ang bagyo sa pagkamatay ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

Nasa 8,465 na pamilya, o 19,373 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Aghon. Nasa 657 pamilya o 2,162 indibidwal naman ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga temporary shelter.

Pito na ang napaulat na namatay, na kasalukuyan pa ring iniimbestigahan.

Samantala, mayroong naiulat na tatlong insidente ng pagguho ng lupa dahil sa ulan, 13 lugar na binaha, tatlong punong nabuwal at isang ipu-ipo. Nagdeklara na rin ng state of calamity sa lungsod ng Lucena sa lalawigan ng Quezon.- may ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.