Paglalagay ng 'rain catcher' malapit sa Camp Aguinaldo sa QC, pinag-aaralan ng DPWH | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglalagay ng 'rain catcher' malapit sa Camp Aguinaldo sa QC, pinag-aaralan ng DPWH
Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published May 28, 2024 03:45 PM PHT
|
Updated May 28, 2024 03:46 PM PHT

Reza Shayestehpour/Unsplash

MAYNILA – Pinaplantsa na ng Department of Public Works and Highways ang posibilidad na paglalagay ng ipunan ng tubig malapit sa Camp Aguinaldo sa Quezon City sa tuwing may malalakas na pag-ulan.

Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni DPWH-Metro Manila director Engr. Loreta Malaluan na isa kasi ang EDSA malapit sa Camp Aguinaldo sa mga lugar na malimit binabaha.

Kung matutuloy ang pagkakaron ng ipunan ng tubig dito, makatutulong aniya ito sa mas mabilis na paghupa ng baha sa lugar.

“Tinitingnan namin ang posibilidad na magkaroon ng retaining pond dito sa may Camp Aguinaldo para yung tubig baha habang malakas ang pag-ulan at hindi pa maipaabot sa labasan sa karagatan ay maipon doon ang tubig dito lalo na sa parte ng EDSA,” sabi ni Malalauan.

Sa ngayon, bagamat hindi pa opisyal na idinideklara ng PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan, sinabi ng DPWH na sinasamantala na rin nila ang panahon para makapaglinis ng mga drainage system sa Metro Manila sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority at local governments.

“Sa DPWH-NCR, ay naghanda na kami sa pamamagitan ng prepositioning ng resources, ganon din ang aming mga tao, patuloy po na kami ay nag-clearing ng mga kanal. Kasama namin ang MMDA at LGUs, patuloy nating tinitingnan na everytime na may ulan saan ba ang critical areas dito sa Metro Manila,” ayon kay Malaluan.

Sa ngayon, may 71 pumping stations sa Metro Manila, sabi ni DPWH Director Rodrigo delos Reyes.

Sa Maynila naman, sinabi ni Malaluan na may 3 pumping stations na nakahanda sa pagpasok ng tag-ulan at 2 dito ay ipauubaya na ang pamamahala sa MMDA.

“Meron na tayong 3 pumping stations sa lugar na yan. Ito yung Remedios, Abad at Faura po. Ang Remedios at Abad ay i-ta-turnover na sa MMDA at yung Faura ay ongoing ang pag-sasaayos. ‘Pag kasi bibubuksan yung gate dyan ay may mga basura talaga na nagpapa-clogged sa drainage system. Yun talaga ang nagiging problema, mga basura sa kanal,” sabi ni Malalauan.

“Dito sa Metro Manila ay sandaling oras nalang yung bumabaha, hindi katulad nung nagdaang mga taon ay umaabot po ng ilang araw yung ating mga pagbaha. Kaya sinisigurado namin na bago magsimula ang tag-ulan ay nalilinis itong mga drainage natin, katulong ang MMDA at LGUs,” dagdag pa ni Malaluan.

RETROFITTING ACTIVITIES
RETROFITTING ACTIVITIES
Samantala, tuloy-tuloy naman ang rehabilitasyon ng EDSA-Kamuning Flyover sa Quezon City.

Sabi ni Malaluan, nasimulan na rin ang pagbubuhos ng semento sa nabakbak na parte ng flyover.

"Meron na tayong accomplishment dun na around 30 percent at patuloy po na ahead of schedule naman po at inaasahan natin na yung pagsasaayos ng (desk) slab ay matatapos natin sa madaling panahon para mapadaanan natin ang ibabaw para dito sa ating motorista,” sabi ni Malaluan.

Aminado ang DPWH na posibleng maantala ang trabaho sa flyover kapag nagsimula na ang kasagsagan ng tag-ulan.

“Ito naman ay maisasagawa din, wag lang talagang sobrang lakas ng ulan. Ang maantala lang ay yung pagbubuhos ng kongkreto. Kaya hindi masyadong apektado ng ulan,” sabi ni Malaluan.

Nilinaw din ng DPWH na hindi magkakaroon ng pagsasara sa Guadalupe Bridge sa Makati City sa sandaling simulan na rin ang pagkukumpuni dito.

“Ang Guadalupe bridge ay 5 lanes, 2 sa lanes nito sa magkabilang side ang ating gagawin. Matutugunan yung magiging epekto ng traffic sa mga hindi nakakadaan sa Guadalupe bridge. Magtatayo po tayo ng temporary detour bridge sa magkabilang side din po,” sabi ni delos Reyes.

“Hindi natin isasara ang Guadalupe bridge. Madadagdagan nga po natin ng 2 lanes….gagawin po natin siya sa loob ng 36 months (3 taon),” dagdag niya.

Samantala, hinihintay na lang din ng DPWH-NCR ang permit mula sa MMDA para masimulan ang pagkukumpuni ng Magallanes flyover.

“Meron pa kaming mga permit na hinihintay, kapag naibigay na itong mga permit na ito ay mag-uumpisa na tayo sa Magallanes. Ang Magallanes ay isasara natin yugn 2 lanes sa gitna sa pagpapalit ng joints ‘pag natapos natin itong Kamuning Bridge. Ang una nating gagawin sa Magallanes ay yung pang-ilalim,” sabi ni Malaluan.