Mga sagabal sa bangketa sinuyod ng MMDA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga sagabal sa bangketa sinuyod ng MMDA
Sa pagpapatuloy ng clearing operation ng MMDA Strike Force sa mga sagabal sa kalsada, hindi na lang mga illegally parked vehicle ang pinuntirya ng clearing team.

Nitong Huwebes ng umaga, sinuyod ng MMDA ang mga bangketa ng Pasay City, Makati at Quezon City.

Unang pinuntirya ng mga tauhan ng MMDA ang ilang matataong lugar sa Makati City gaya sa Zobel Roxas Street.

Dito inabutan ng clearing team ang tambak ng mga kalakal sa mismong bangketa at kalasada mula sa isang junk shop.
Dito inabutan ng clearing team ang tambak ng mga kalakal sa mismong bangketa at kalasada mula sa isang junk shop.
ADVERTISEMENT
Nagkukumahog pa sa pagliligpit ng mga kalakal ang mga tauhan ng junk shop na sa naturang lugar matapos matunugan ang clearing operation ng MMDA.

Pero sa dami ng tambak ng kalakal sa kalsada, gaya ng bakal na poste ng kuryente, hindi kinayang maipasok agad ang lahat ng ito sa junk shop.

Sabi ni Gabriel Go, OIC head ng MMDA Strike Force, responsibilidad ng bawat establisimyento na magkaroon ng tamang espasyo para sa kanilang negosyo.

“Hindi nga lang sidewalk ang kinuha eh…aside from obstructing the sidewalk, nakaharang pa po yung truck nila which is another obstruction... Kasi alam naman natin na ang sidewalk hindi puwedeng maging extension of anything yan nho with a parking or any business establishment then to add to that 'yung truck nila - illegal parking sila,” sabi ni Go.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang may-ari ng junkshop at ipinalinis na lang agad sa kanyang mga tauhan ang tambak ng mga kalakal sa kalye.

Nasita din ng MMDA ang isang vulcanizing shop na sakop na ng Maynila at napagsabihan ang may-ari at mga tauhan nito dahil mistulang tambakan na nila ng gamit ang kalsada na para sana sa mga motorista.

“Kailagan pagbalik namin dito wala na ‘to - kukumpiskahin na namin sa susunod..Ginawa nyo ng basurahan oh, alisin… eh tinambakan nyo ng mga gulong eh. Pagbibigyan muna namin to,” sabi ni John Musngi ng MMDA.

Pagbungad pa lang ng clearing team, mga nakahilerang motorisklo na ang nasampolan na iligal na nakaparada sa harap ng East Avenue Medical Center.

Sa EDSA sa Pasay City, nabulabog ang mga may-ari ng motorsiklo na mga sales agent ng isang car dealer dahil inabutan ang kanilang mga motor na iligal na nakaparada sa bangketa.

Isa-isang tiniketan ang mga may-ari nito ay pinag-multa ng P1,000 ang mga attended motorcycle habang P2,000 naman sa mga unattended motorcycles.

”Hindi ko rin alam eh, eh kasi madalas dito naman kami naka-park. Kasi nung time nabisita na rin kami ng Pasay ng MMDA napagbigyan naman kami na dito kahit isang lane lang. Kaya nagulat din kami bigla na lang may dumating,” sabi ng motorcycle rider na si Mar.

Ang security guard na si Gabby, umalma sa P2,000 multa sa pagkaparada ng kanyang motorsiklo sa ilalim ng puno.

“Actually, hindi naman siya nakaharang kasi nasa ilalim siya ng puno. Pero aminado naman ako gusto ko lang P1,000 lang kasi nandito naman yung driver ko,” sabi ni Gabby.

Pagdating ng hapon ng Huwebes, itinuloy ng MMDA ang clearing operation sa kahabaan ng East Avenue sa Quezon City.

Mahabang pila din ng mga nakaparadang motorsiklo ang inabutan ng MMDA clearing team at karamihan sa kanila ay ikinarga sa tow truck dahil wala dito ang may may-ari… tiniketan naman ang mga rider na dumating agad at kinakailangang magmulta ng P1,000.

Maging ang mga kawani ng isang ahensiya ng gobyerno sa NIA Road ay nasampolan din ng MMDA at isa-isang ikinarga sa tow truck ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa mismong kalsada.

Sa dami ng nahuli, umabot sa 90 ang naisyuhan ng citation tickets ng MMDA at 29 dito ang nahatak at dinala na sa impounding area ng ahensiya sa Marikina City.

Sabi ng MMDA, bukas naman 24/7 ang impounding area para sa mga car owners na tutubos ng sasakyan.

Paalala ng ahensiya sa mga tutubos, dalhin ang car registration at mas makabubuti kung yung may-ari mismo ang tutubos.

Kung hindi available ang car owner, sabi ng MMDA, magdala lang ng authorization letter mula sa may-ari ang tutubos ng sasakyan.

Hindi naman ire-release ang impounded na sasakyan kung madidiskubreng hindi ito rehistrado sa LTO.