Timor Leste youth leaders lumahok sa FSI program ng PH | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Timor Leste youth leaders lumahok sa FSI program ng PH
Annalyn Mabini,
TFC News
Published Jun 12, 2024 08:07 AM PHT

Tinanggap ng Foreign Service Institute, o FSI, ang mga youth leader mula sa Timor Leste noong June 6 bilang bahagi ng diplomatic cooperation.

Ang FSI ay training and research office sa ilalim ng Department of Foreign Affairs, o DFA.

Pinangunahan ni Director General Francisco Noel Fernandez III ang FSI habang ang 11 miyembro ng Timor-Leste delegation ay sinamahan naman ni Timor-Leste Ambassador Marciano O.G. Da Silva.

Mga lumahok sa FSI Program ng DFAAyon pa sa DFA, lumahok ang 11 youth leaders sa Diplomat’s Hour session ng FSI Foreign Service Officers Cadetship Course kung saan tinalakay ang international relations, foreign affairs, at diplomatic work mula sa speaker na si retired Ambassador Minda Cruz.

Ang partisipasyon ng mga nasabing youth leader ay kinabibilangan ng orientation patungkol sa mga programa ng FSI, tour sa FSI Language Laboratory, at nakibahagi rin sila sa Heritage Talks series forum na inorganisa ng DFA.

Kabilang sa natalakay ay ang “The Textiles of Basilan.”

Bahagi na rin ang pagbibigay sa mga kabataang lider ng exposure sa Maynila bilang paghahanda sa pagsapi ng Timor-Leste sa Association of Southeast Asian Nations, o ASEAN.