Ideal on-screen partner ni Kim Chiu, alamin
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ideal on-screen partner ni Kim Chiu, alamin
TFC News
Published Jul 10, 2024 07:05 PM PHT
|
Updated Jul 10, 2024 09:20 PM PHT

Sila ang current Kapamilya love-team to beat kung ang kanilang hit series ang pagbabasehan. Si Kim Chui at Paulo Avelino na mas kilala bilang KimPau ay bumida sa Prime Video-ABS-CBN global hit na Linlang at sa Filipino remake ng Korean dramang What's Wrong With Secretary Kim.

Natapos ang Linlang, habang ang What's Wrong With Secretary Kim ay umeere ngayon sa mga domestic free TV kaya kaliwa't kanang thanksgiving events din ang dinaluhan nina Kim at Paulo.

Isa na rito ay ang Kapamilya Kalayaan Karavan (KKK) sa Birmingham, UK nitong June 30. Nauna na ang Dubai leg ilang linggo bago sa UK.

Nakapanayam ni ABS-CBN Europe Middle East Africa News Bureau Chief Rose Eclarinal ang KimPau sa pagbisita sa UK para pasalamatan ang mga kababayan at kapamilyang tumangkilik at tumatangkilik sa kanilang mga proyekto.

"This is our firs time (sa Birmingham). Sobrang layo siya, parang probinsya.Nagulat ako kasi parang sa airport, may sasalubong sa amin ng banner, yung mga mukha namin nandun, sasabihin,'bumiyahe kami ng 5 hours pumunta lang dito, kanina pa kaming umaga rito.' Yun pala yung feeling na ganun yung sumalubong sa iyon, yung naghanda talaga sila, they prepared so much para sa arrival namin, is really a big thing for us. Na-touch natin ang life nila kaya sinusuportahan nila tayo. Kaya we're very thankful," masayang sinabi ni Kim.

Sobrang pasasalamat din ang ipinaabot ni Paulo sa mga kapamilya.

"I'm very grateful. We've done two shows back-to-back and they are totally two different genres of shows. I think the support comes with the relatability and the feeling that comes (from what) the other show gives. It's always nice to see that in some way, we can give happiness at marami kaming napapasayang kababayan at kapamilya natin all over the world, especially here in Birmingham." sabi ni Paulo.

Mainit ang love team na KimPau, lalo sa social media. Marami kasing fans ang naniniwalang hindi lang pang telebisyon ang magandang relasyon ng dalawa kundi maging sa totoong buhay. Gayunman, walang kumpirmasyong nakukuha mula sa dalawa.

Tanging mga tuksuhan na napapanood ng fans sa It's Showtime kung saan isa si Kim sa mga host, o kaya ay ang mga video clips na ayon sa fans, makakakikitaan ng hint o palatandaan na may mas malalim na relasyon sina Kim at Paulo sa likod ng camera. Iyan ay sa kabila nang hindi naman talaga sila pinagsama sa proyekto bilang love team o para maging love team.

Paliwanag ni Kim,"hindi naman kami talaga binuo as love team ni Paulo. Sa project lang talaga na meron kami hanggang sa sinuportahan na lang kami ng mga tao. Itong team up na ito, it's very surprising na nakabuo kami ng isang pamilya."

"I think it also comes with the maturity of the actors,’ sabi naman ni Paulo.

Hindi man nakitaan ng kilig-moments habang ginawa ang panayam sa KimPau, isang sandali ang hindi mapalalampas ng mga fans. Ito ay nang tanungin si Kim kung paano ilalarawan ni Kim ang kanyang ideal on-screen partner.

Hindi man niya direktang sinabi na yung aktor na katulad ni Paulo, pansin sa video na bago ito sinagot ni Kim, hindi niya naiwasang lumingon muna kay Pau.

"Ideal? (sabay lingon kay Paulo) Siyempre una, magaling dapat, para hindi mahirap katrabaho o ka-eksena o hindi mahirap umarte. Yung may presence of mind at gusto yung ginagawa niya," sabi ni Kim.

Sa pagtatapos ng projects ng KimPau, aminado si Paulo na marami pa siyang ibang karakter na gustong gampanan bilang aktor na hindi pa niya nagagawa.

"As long as it's new, as long as it's something I haven't done before, I would be challenged and I would consider doing it." sabi ni Paulo.

Para naman sa kanyang dream project, sabi ni Paulo ang pangarap niya ay isang engrandeng Filipino sci-fi movie. Pero aminado siya sa mga posibleng limitasyon ng ganitong proyekto. "It's hard to produce a sci-fi movie. It requires a lot of budget. And it's just so many stuff. But someday, I'd like to do a sci-fi movie that is produced and made in the Philippines.

Nang tanungin naman si Kim kung ano ang kanyang staying power sa showbiz, sabi ni Chinita Princess na malaking parte talaga nito ang pagpasok niya sa bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Teen edition noong 2006 hanggang tanghaling Big Winner.

"I think naka-benefit ako sa PBB. Kasabay ko silang lumaki, ang audience. At hindi rin naman ako madamot i-share ang mga nangyayari sa life ko.And, I grew up in front of their eyes. Hanggang ngayon may nagsasabi sa akin na 'hoy, binoto kita dati'. So parang yung boto nila dati, lumago na sila ngayon so I give back to them, by giving them beautiful projects at ina-update ko rin sila sa day-to-day life ko," sagot ni Kim.

Bilang pagtatapos, muling nagpasalamat ang KimPau sa patuloy na suporta sa kanila ng mga kapamilya sa kanilang dalawang serye at maging sa mga "pasasalamat tour" nila gaya ng sa Birmingham.

"Iba talaga ang Pinoy. Madiskarte at masipag talaga sila at nakikita mo ang pagpupursigi nila hindi lang para sa kanila kundi para sa kanilang mga pamilya.Nakakataba ng puso ang inyong suporta at nakakatuwa na makakita ng solid na komunidad sa labas ng Pilipinas. Congrats sa inyong lahat at araw-araw, sipag lang," mensahe ni Paulo.

"We hope we made it all happy and worth it iyong pagbiyahe ninyo (sa Birmingham)," pagtatapos naman ni Kim.

(Mga larawan kuha ni Ernie Delgado)
(Mga larawan kuha ni Ernie Delgado)
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT