Lalaki, pinagsasaksak at tinapon sa ilog sa Antipolo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, pinagsasaksak at tinapon sa ilog sa Antipolo

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 19, 2024 08:30 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin at itapon sa Pinugay River, malapit sa Barangay San Jose, Antipolo City.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Christian Maputol, 27 anyos, residente ng Barangay Sta. Cruz.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, chief of police ng Antipolo, natagpuan ang bangkay ng biktima na palutang lutang sa ilog, mag-aalas onse ng umaga nitong Sabado.

“Nakatanggap tayo ng tawag noh dito sa ating command center kung saan allegedly may nakita daw na bangkay dun sa Pinugay River, parte na ng malapit sa bridge ng Antipolo. So nag-react po ang ating mga kapulisan at nakita nga doon na yung isang bangkay nakabalot sa sako,” sabi ni Manongdo.

ADVERTISEMENT

Ilang araw munang inireport ng mga magulang na nawawala ang biktima bago siya natagpuan na nakabalot ng sako sa ilog. Pinagsasaksak din sa dibdib ang biktima.

“According sa family, hinahanap na nila ng ilang araw na 'yung victim natin ngayon. Actually nagpost na sila sa social media at sa iba’t ibang mga lugar citing na siya ay pinaghahanap at nagbigay na mga numero paano sila kokontakin, and kinaumagahan nga natagpuan natin 'yung bangkay na dun sa ilog na may initial may tama ng stab wounds sa kanyang dibdib,” sabi ni Manongdo.

Kwento ni Kristy Tejano, huling beses niyang nakita ang kapatid noong Miyerkoles.

"Huling nakita ko po siya hinatid po siya August 14 sa Prayer Mountain sa Sunrise Valley, doon po namin siya nakitang buhay,' sabi ni Tejano.

Hustisya ang panawagan ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

"Panawagan ko sa gumawa nito sa kapatid ko, sana sumuko na po kayo. Mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid ko dahil hindi po talaga niya deserve ang ginawa niyo sa kanya. Talagang karumaldumal po hindi talaga namin matanggap dahil alam po namin, na napakabuti niyang tao. Gusto namin ng hustisya para sa kapatid ko,' sabi ni Tejano.

Ayon sa Antipolo Police, may mga persons of interest na silang pinaghahanap hinggil sa nangyaring krimen.

"Tapos we are theorizing na hindi lang isa ang nagsagawa nito. Kasi kung pagbabasehan natin 'yung bangkay nung tao, tapos nakabalot siya ng sako, parang mahihirapan kung isang tao lang itong suspek natin, so we are looking into the possibility of 2 or more, kasi pag itsa pa lang dun sa river, it really needs at least 2 manpower para ma-itsa mo sa, kasi mataas masyado, mataas at matarik 'yung ilog kung saan siya tinapon,” sabi ni Manongdo.

“Actually meron tayong person of interest pero it’s too early for us kasi hindi pa sapat 'yung ating mga ebidensya na magtuturo sa isang specific na tao... meron na tayong initially na-inform at 'yun 'yung iba-back track natin depende nga dun sa timeline kung kailan talaga siya namatay, aatras at aatras tayo dun at maaaring makakuha tayo ng mga CCTV kasi within the week pa naman yung declaration ng family na siya ay nawawala at pinaghahanap ng kanilang pamilya,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.