Babae binaril sa loob ng ospital sa Dasmarinas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae binaril sa loob ng ospital sa Dasmarinas

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

DASMARIÑAS, Cavite – Patay ang isang babae at sugatan ang 3 iba pa, kabilang na ang isang security guard, matapos pagbabarilin sa loob ng isang ospital sa Dasmariñas City, Cavite Miyerkoles ng madaling araw.

Sa mga larawan na ibinahagi ng Dasmariñas City Police, makikita na palabas umano ang itinuturong gunman sa loob ng waiting area ng ospital bandang alas-3 ng madaling araw. Kita rin na naghihintay umano ang isang lookout ilang minuto bago ang pamamaril.

Sabi ni PLtCol. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City Police, pinagbabaril ng gunman ang babae sa ward ng ospital.

“Yung dalawa nag-abang sa tapat ng pinto ng ospital. Sa likod, sa may exit. Hinintay ang pagkakataon na walang nagbabantay. Pumasok. Noong pagpasok – mabilis lang ang pangyayari – noong pagpasok nagawa na ang krimen. Tapos tumakas sila,” ayon kay PLtCol. Balano.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, tumakas ang tatlo sakay ng dalawang motorsiklo.

“Yung gunman sumakay sa driver ng getaway vehicle, yung isa naman nag-drive ng isang motor,” dagdag niya. 

“Alam nila na may security tayo pero gumawa talaga sila ng paraan para mapasok talaga,” sabi niya.

Tatlo ang nasugatan sa insidente, kasama na ang security guard ng naturang ospital.

“Ang isa doon (sugatan) ay bantay ng biktima. Tinamaan ng bala, ricochet sa paa. 'Yung isa is bantay ng kabilang pasyente na tinamaan sa talampakan. 'Yung isa is yung security guard na nakasalubong ng suspek na natamaan sa kanang kamay. Lahat sila nakalabas na (ng ospital),” ani PLtCol. Balano.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni PLtCol. Balano, dating impormante ng pulisya ang babae kaya isa ito sa mga tinitingnan na anggulo sa pagpaslang sa kanya.

Nasa ospital umano ang babae matapos matamaaan ng bala sa isa ring insidente ng pamamaril sa Dasmariñas noong August 22.

“Personal na galit siguro kasi galit na galit at pinagplanuhan ang pagpatay… Nagbibigay siya dati ng impormasyon sa mga criminal activities… Baka may napahuli siya o nasagasaan na nagtanim ng galit sa kanya,” sabi ni PLtCol. Balano.

“Yung suspect na nahuli, yun ang sinabi – na tinuluyan na ng suspect,” aniya.  

Noong Miyerkoles din bandang alas-10 ng umaga, naaresto ang isa sa mga lookout sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng barangay at pagba-backtrack sa CCTV.

ADVERTISEMENT

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

Ayon sa pulisya, umamin ang suspek na kasabwat siya ng gunman at isa pang lookout.

Nasampahan na siya ng reklamong murder at inaayos na rin ang isasampa sa kanyang reklamong frustrated murder.

“Nagkaroon siya ng extrajudicial confession at inamin niya, sinabi niya ang mga kasamahan niya,” ani PLtCol. Balano.  

Tumanggi na ring magbigay ng pahayag ang kaanak ng biktima, pati na ang mga nasugatan para sa kanilang seguridad.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PLtCol. Balano, mas hinigpitan na ang seguridad sa ospital kasunod ng insidente.

Sinusubukan na ng ABS-CBN News na kunan ng mga pahayag ang pamunuan ng ospital at lokal na pamahalaan tungkol dito.

Pinaghahanap na ng pulisya ang dalawa pang salarin sa pamamagitan ng pagba-backtrack ng CCTV at pakikipagtulungan sa barangay.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.