3 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan sa QC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan sa QC

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Tatlong indibidwal ang sugatan sa karambola ng nasa 8 sasakyan sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng 14-wheeler truck ang kahabaan ng Mindanao Avenue bandang alas-8 ng gabi nang masalpok ang isang van at mabangga na rin nito ang tanker at iba pang sasakyan sa harapan.

Sabi ng 20-anyos na pahinante na sugatan sa insidente, nawalan ng preno ang kanilang truck na may dalang pagkain ng mga hayop. Sumadsad pa ito sa center island hanggang sa tumigil na ang takbo nito.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang driver ng truck, na ayon sa pahinante at ibang nakakita ay umalis habang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

ADVERTISEMENT

“Pagtapak niya ng preno, may tumunog. Eh nung sumigaw siya na ‘wala nang preno,’ tumalon na ako. Buti nakatalon ako bago tumama sa tanker,” ani John Carlo Aquino, ang pahinante ng truck.

“Akala ko mamamatay na ako. Pero dire-diretso pa ‘yung truck namin. Muntikan na ako. Kung hindi ako bumitaw pagtama doon (sa isa pang sasakyan), kasama ako sa naipit sa tanker,” dagdag niya.

Nagtamo ng mga sugat sa braso, kamay, at mga binti ang 20 anyos bunsod ng kanyang pagkakabagsak mula sa truck sa kalsada. Nawala din umano ang kanyang cellphone.

Sabi naman ng kanyang ina na si Via, magsasampa sila ng reklamo laban sa driver ng truck.

“Pinipigilan ko na siya sumama doon kasi kailan lang din niya nakilala tapos malayo ang biyahe. Ninenerbiyos, di ko alam kung anong nangyari sa kanya tapos sabi tinakasan na raw ng driver,” ani Via.

ADVERTISEMENT

“Galit ako sa driver kasi dapat hindi niya iniwanan,” dagdag niya. 

Sugatan din ang isang street vendor na natumba sa center island matapos iwasan ang truck. Nagtamo siya ng sugat sa kanang kamay at kaliwang binti.

Sinugod kaagad siya sa ospital para magpa-check-up. 

“Nakita ko siyang nag-overtake. Akala ko hihinto. Pagliko niya, hindi siya huminto. Dire-diretso siya. Mga dalawang dipa na lang ang layo niya sa akin kaya nag-panic na ako. Bahala na kung anong mangyari sa akin basta makaalis ako sa way na ‘yun,” ayon sa 53 anyos na tiindero ng basahan sa kalsada.

Hindi na umano niya plano magsampa ng reklamo pero hihingi siya ng danyos sa may-ari ng truck.

ADVERTISEMENT

Sa report naman ng District Traffic Enforcement Unit - Sector 6 ng Quezon City, iniimbestigahan pa ang insidente at kung magkano ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Bukod sa pampasaherong van at isang tanker, nadamay din sa karambola ang 2 elf truck, 2 sasakyan, isang armored van, at isa pang truck.

Hinahanap na rin nila ang driver ng truck.

Sakaling mahuli, mahaharap  ang driver ng truck sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple damage to property with physical injuries.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.