‘From Arms to Farms’ program ng Pilipinas, kinilala sa Switzerland
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘From Arms to Farms’ program ng Pilipinas, kinilala sa Switzerland
TFC News,
Mye Mulingtapang
Published Jan 08, 2025 01:22 AM PHT

Geneva, Switzerland — Muling nagningning ang pangalan ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado matapos mapabilang ang programang "From Arms to Farms" ng bayan ng Kauswagan, Lanao del Norte, sa mga nanalo sa prestihiyosong Future Policy Award 2024.

Ang awarding ceremony ay ginanap noong Nobyembre 27, 2024, sa Maison de la Paix, Geneva, Switzerland, na inorganisa ng World Future Council.

Sa ika-13 taon nito, kinikilala ng Future Policy Award ang mga natatanging polisiya na nag-aambag sa napapanatiling kaunlaran o sustainable development ng mga susunod na henerasyon. Ang tema ngayong taon na “Peace and Future Generations” ay nagbigay-diin sa mga solusyong tumutugon sa mga ugat ng hidwaan habang binibigyang halaga ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Taong 2010 nang ilunsad ang “From Arms to Farms” sa pangunguna ni Kauswagan Mayor Rommel Arnado. Ilang taon ang makalipas, patuloy itong nagsisilbing ilaw ng pag-asa at inobasyon sa resolusyon ng hidwaan at napapanatiling kaunlaran.

Malaki ang pasasalamat ni Kauswagan Mayor Rommel Arnado sa Future Policy Award sa pagkilala nito sa "From Arms to Farms" program ng kanilang bayan. (Courtesy: Mayor Rommel Arnado)

Kabilang sa programa ang mahigit 600 dating rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front. Sa pamamagitan ng sustainable agriculture, layon nitong solusyunan ang kahirapan, kawalan ng tiwala, at mga isyung matagal nang nagdudulot ng karahasan sa rehiyon.

Ang mga resulta ng programa ay nagpapatunay ng tagumpay nito. Ayon sa datos, 80% noong 2010, bumaba sa 9.1% ang antas ng kahirapan sa Kauswagan noong 2020. Naibalik rin ang 300 ektaryang abandonadong sakahan, na nagbigay-daan sa seguridad sa pagkain at ginawang modelo ng kapayapaan at kaunlaran ang bayan.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Mayor Arnado sa pagkilalang natanggap.

"Pinapatunayan ng parangal na ito na ang aming pagsisikap na tugunan ang gutom at kahirapan bilang ugat ng hidwaan ay nagbunga ng tagumpay,” ani Arnado. “Ang mga tao sa Kauswagan, kasama ang mga dating rebelde na buong tapang na yumakap sa kapayapaan, ang tunay na bayani ng kuwentong ito. Nawa’y maging inspirasyon ang aming karanasan sa ibang komunidad na dumaranas ng parehong suliranin.”

Layon ng programang "From Arms to Farms" ng Kauswagan, Lanao del Norte na solusyunan ang kahirapan, kawalan ng tiwala, at mga isyung matagal nang nagdudulot ng karahasan sa rehiyon. (Courtesy: Mayor Rommel Arnado)

Sa 2024 Future Policy Award, 12 finalist mula sa 47 nominado sa 29 na bansa ang napili.
Sa 2024 Future Policy Award, 12 finalist mula sa 47 nominado sa 29 na bansa ang napili.
ADVERTISEMENT
Kasama ng programa ng Kauswagan, ang iba pang nagwagi ay ang Feminist International Assistance Policy (Canada) na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at inklusibong pagbuo ng kapayapaan, ang Moriori Peace Covenant (Chatham Islands, New Zealand) na nagtataguyod ng mga tradisyong katutubo ng kapayapaan at pangangalaga sa kalikasan, at ang Well-Being of Future Generations Act (Wales) na nagsabatas ng kapakanan ng mga susunod na henerasyon sa mga desisyon ng pamahalaan.

Pinuri ng World Future Council, kasama ang Geneva Centre for Security Policy, Inter-Parliamentary Union, at Basel Peace Office, ang mga nanalong programa dahil sa mga makabuluhang epekto nito sa lipunan.

Ang kwento ng Kauswagan ay nagsisilbing modelo kung paano mapagsasama ang agrikultura, kapayapaan, at pakikilahok ng komunidad—isang patunay na ang maliwanag na kinabukasan at mapayapang mundo ay kayang makamtan ng bawat isa.