Sunog sumiklab sa residential area sa Parañaque

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Parañaque

Izzy Lee,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa St. Jude Street, San Antonio Valley 1, Brgy. San Antonio, Parañaque City nitong Sabado ng hapon. 

Nagsimula ang sunog pasado alas-1 ng hapon at umabot sa ikatlong alarma bago idineklarang under control pasado alas-2.

 Kabilang sa mga nasunog ang tatlong palapag ng bahay ni Myka Dela Cruz. Sa ibaba ng bahay matatagpuan ang maliit nila negosyo ng kaniyang pamilya, na posibleng pansamantalang isara matapos ang insidente.

 "May nakita po ako na parang apoy po tapos sumigaw na ako. Kala namin may niluluto lang. Di ko po alam paano kami magsisimula ulit e, kasi first time po talaga samin nangyari ito," ayon kay dela Cruz.

ADVERTISEMENT

 Si Jelly Llamado naman, sinubukan pa sanang isalba ang P10,000 na matagal nilang inipon ng kanyang asawa. Pero dahil sa tindi ng apoy, hindi na umano niya ito nakuha — pati mga gamit nila, wala na ring naisalba.

 "Pagsilip ko sa labas, as in pulang pula na po talaga 'yung likod namin. Pumasok ako sa bahay kasi kukuha sana ako ng gamit kasi para kung anong mabitbit ko. Sobrang init na po di ko na nakayanan. Hinanap ko na po 'yung mga anak ko tapos nataranta na po ako," sabi ni Llamado.

 Ayon sa barangay, tinatayang 18 hanggang 20 bahay ang naapektuhan ng sunog, kung saan aabot sa 70 hanggang 80 pamilya o nasa 150 indibidwal ang naapektuhan.

 Dagdag nila, wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.

 Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.