Patay na sanggol natagpuan sa tambak ng basura sa Pasig
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patay na sanggol natagpuan sa tambak ng basura sa Pasig
MAYNILA — Isang patay na sanggol ang natagpuan sa tambak ng basura sa tabing-kalsada sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Martes.

Ayon sa residenteng si Jhon Cagas, Martes ng tanghali nakita niya ang sanggol na lalaki na wala ng buhay sa Blk 34, Kalayaan Street corner Eusebio Avenue.

"Dali-dali po akong kumuha ng cellphone para maitawag sa 911 ang pangyayari. Pagkita namin sa bata wala po siyang saplot, nakabalot po sa plastic. Agad po naming tinabunan ng kulay asul na tela para po may pang-ano po siya," sabi ni Cagas.

Nagsuot na ng face mask ang ilang residente dahil sa masangsang na amoy.
Nagsuot na ng face mask ang ilang residente dahil sa masangsang na amoy.
ADVERTISEMENT
"Hindi nila pinansin kasi akala nila masangsang na amoy na galing sa hasang na pinagtatapon ng mga tao rito," sabi pa ni Cagas.

Makipot ang daan papasok sa eskinita kung saan itinapon ang sanggol.

"Nung pumasok 'yung kotse nagulungan, nakita raw na may lumabas na bata. Na-press 'yung basura tapos lumabas 'yung plastic na pinagbalutan niya," sabi ni Cagas.

"Nagtataka po ako bakit walang kumukuha kasi matagal na po 'yung sanggol andiyan, nandito na po lahat ng pulis at barangay, tapos hindi pa rin nakukuha 'yung bata," dagdag ni Cagas.

Ayon sa Barangay Pinagbuhatan, hapon na nila natanggap ang report at agad nilang pinuntahan katuwang ang pulisya at medical rescuer. Napag-alaman nila na nasa pitong buwang gulang na ang sanggol.

"In-assess nila 'yung sitwasyon nung sanggol, na-declare nilang patay na 'yung katawan," sabi ni Kagawad Arcie Lucas ng Barangay Pinagbuhatan.

Umabot ng halos kalahating araw bago nakuha ang bangkay ng sanggol sa lugar.

Mag-a-alas 12 ng hatinggabi ng Miyerkules, June 11, 2025, dumating ang taga-punenarya.

"Wala rin pong ma-provide na mga permit o 'yung sanitary na manggagaling ng iba't ibang opisina. Nakiusap na lang po kami sa punenarya para makuha po. Base po kasi sa punenarya kailangan po nila 'yun bago nila kunin 'yung bangkay. Usually po sa kaanak po siya, sa scenario po kasi natin, wala pong ma-identify kung sino ang kamag-anak nito," sabi ni Kagawad Jess Santos ng Barangay Pinagbuhatan.

Patuloy na inaalam ng barangay kung sino ang nagtapon sa sanggol sa tabing-kalsada.
Patuloy na inaalam ng barangay kung sino ang nagtapon sa sanggol sa tabing-kalsada.
ADVERTISEMENT
"Nakipagtulungan na rin po kami sa action center para ma-trace po ang ating mga maaring mga pinagdaanan po nung may kinalaman po. Kasi boundary po kami ng Pasig at Taytay. 'Yung side po na ito Taytay na," sabi ni Kagawad Jess Santos ng Barangay Pinagbuhatan.

"Sa nakakakilala po, nakakaalam, kung sino 'yung mga kaanak nito, magulang, ipagbigay po sa amin sa barangay para mapuntahan sila at mailibing nang maayos ang bata," sabi ni Kagawad Arcie Lucas ng Barangay Pinagbuhatan.

Ngayong hindi pa matukoy kung sino ang responsable sa insidente, ang barangay na ang mag-aasikaso para bigyan ng disenteng libing ang sanggol.