Lalaki nagpanggap na pulis para makaiwas sa pagbayad ng utang sa Taguig

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki nagpanggap na pulis para makaiwas sa pagbayad ng utang sa Taguig

Darylle Sarmiento,

ABS-CBN News

Clipboard

Lalaki nagpanggap na pulis para makaiwas sa pagbayad ng utang sa Taguig
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos magpanggap na pulis, nanakot at nanutok ng baril sa Barangay East Rembo, Taguig City, 11:50 ng gabi noong Lunes, June 30.

“Itong suspek natin, tinakot niya po itong victim natin na babae, na pinagkakautangan niya ng P20,000,” ayon kay PMaj Cherrylyn Agtarap, spokesperson ng Taguig City police station.

Dagdag ni PMaj Agtarap, tiyempong nagpapatrolya ang mga pulis sa lugar at dali-daling nakahingi ng tulong ang biktima.

“Nung rumesponde po itong mga tropa natin nakita nga po nila itong suspek natin na nakasuot ng jacket na may logo ng PNP,” sabi ni PMaj Agtarap.

ADVERTISEMENT

Hiningan ng PNP ID ng mga pulis ang lalaki pero wala itong naipakita.

Nakuha sa suspek ang isang Caliber .45, pistol, isang sachet ng hinihinalang ilegal na droga, isang jacket na may pekeng logo ng PNP, isang cellphone, at dalawang two-way radios.

Nahaharap sa patong patong na reklamong usurpation of authority, paglabas sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek.

Paalala ni PMaj Agtarap, “Lalo na ho sa mga nagpapakilang pulis, tayo ho ay maging mapanuri at alamin po muna natin kung ito ba ay totoo.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.