Landslide, baha naranasan sa ilang lugar sa Camarines Sur | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Landslide, baha naranasan sa ilang lugar sa Camarines Sur
Jonathan Magistrado,
ABS-CBN News
Published Dec 25, 2024 01:51 AM PHT

May mga naitatala nang baha at pagguho ng lupa sa ilang lugar sa Camarines Sur nitong bisperas ng Pasko dahil sa tuloy-tuloy na ulan na nagsimula noong Martes ng tanghali.

Sa bayan ng Balatan, iniulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na may tatlong landslide na naganap sa Nabua-Balatan Road nitong Disyembre 24 sa Barangay Laganac at Barangay Cabanbanan.

Pinangangambahan ng lokal na pamahalaan na lumala ang pinsala sa naputol na bahagi ng Nabua-Balatan Road noong Bagyong Kristine dahil sa mga landslides.

Isolated ngayon ang malaking bahagi ng Balatan dahil hindi na pinadaraanan ang kalsada sa lahat ng uri ng sasakyan pati na ang mga motorsiklo.

Nasa lugar na ang ilang pulis para paalalahanan ang mga motorista na huwag nang piliting dumaan rito.

Sa bayan ng Nabua, lumubog na ang spillway sa Barangay Sta. Elena Baras at Barangay San Roque Madawon dahil sa pagtaas ng tubig sa Waras River, ayon sa MDRRMO.

Sa Lupi, Camarines Sur abala ang MDRRMO na tumulong sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng mga sasakyan sa Andaya Highway. Nag-deploy na rin ng rescue vehicle at personnel sa binabahang mga barangay para hakutin ang mga pamilyang nais lumikas sa evacuation center.

Mataas na rin ang lebel ng ilog kaya bukod sa umapaw na ang tubig sa spillway ng Poblacion-Barrera Jr. at Tulau papuntang Bulawan Jr., lubog na rin sa baha ang mga barangay ng Bagangan Jr., Bagangan Sr., Poblacion, at Colacling kung saan lubog na sa tubig ang palengke.

Sa Caramoan, nadaraanan pa ng sasakyan ang binabahang kalsada sa Barangay Binanuahan, pero pinag-iingat ang magtatangkang tumawid dahil posibleng tumaas ang baha bunsod ng walang humpay na ulan.

Ayon sa South Luzon Pagasa Regional Services Division, shear line ang itinuturong dahilan na nakaaapekto sa Bicol region.